#TalagaBa: Super pretty na aktres hindi naliligo araw-araw, pero hindi bumabaho ang katawan | Bandera

#TalagaBa: Super pretty na aktres hindi naliligo araw-araw, pero hindi bumabaho ang katawan

Reggee Bonoan |August 08,2022
facebook
share this

#TalagaBa: Super pretty na aktres hindi naliligo araw-araw, pero hindi bumabaho ang katawan

Reggee Bonoan - August 08, 2022 - 03:16 PM

Guess, guess what!? Mahulaan n’y kaya kung sino siya?

HINDI namin naamoy na mabaho pero wala rin kaming naamoy na mabango sa magandang aktres kapag nakakapanayam namin siya kapag may projects siya lalo’t isa siya sa paborito ng mga producer.

Walang malisyang nabanggit ng nakatrabahong aktres ng magandang aktres na bihira pala itong maligo dahil hindi siya sanay na laging nagbabasa ng katawan.

Nagulat ang co-actor ng magandang aktres nang mabanggit ito sa kanya na sikreto niya sa magandang kutis ay hindi laging binabasa. Ang buhok naman niya ay dalawang beses daw sa isang linggo kung i-shampoo at conditioner para hindi rin masira.

In fairness, maganda nga ang kutis ng magandang aktres walang pores ika nga, pero bilang nasa mainit na bansa tayo ay hindi puwedeng hindi maligo araw-araw.

Wala ring ideya ang co-actor ng magandang aktres kung paano ito naglilinis ng katawan dahil wala rin namang amoy.

Sabi namin, baka nagpupunas naman at baka sadyang wala siyang amoy sa katawan at hindi pawisin kaya safe na hindi siya maligo everyday pero since laging nasa harap ng camera at tinatamaan ng malalakas na ilaw ay imposibleng hindi sya pagpapawisan?

At ito pa ang isa pang nalaman ng co-actor ng magandang aktres para hindi ma-iritate ang skin, huwag daw magsusuot ng telang magaspang o ‘yung makapal dapat daw ay pure cotton na manipis o kaya satin para smooth.

Na-shookt din kami sa huling kuwento ng co-actor ng magandang aktres, “Hindi rin siya gumagamit ng underwear kasi nakakaitim daw ng singit.”

Susme, hindi kaya kabagin na ang magandang aktres?

Melai, Jolens may mensahe kay Karla: Nandito lang kami para sa iyo

Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?

Judy Ann magbabalik telebisyon na, papalitan si Regine sa ‘Magandang Buhay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending