‘SHIMINET’…bakit nga ba trending at saan talaga nagsimula?!
“SHIMINET…SHIMINET!” Iyan ang usung-usong expression ngayon ng mga Filipino matapos itong maging top trending topic sa social media.
Sa halos lahat ng Facebook post ay puro “Shiminet” na lang ang nababasa at napapanood ko kaya no wonder pati sa tsismisan sa palengke at sa mga tambayan sa kanto ay ang naturang trending word ang maririnig mo.
Pero paano nga ba nagsimula ang “Shiminet” na yan? Oh, well, nag-start lang naman yan nang ma-dogshow ng netizens ang dialogue ni Vice President Sara Duterte sa kontrobersiyal budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) sa House of Representatives noong August 27.
Baka Bet Mo: Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!
Nagkasagutan kasi ang Bise Presidente ng bansa at si House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela nang mapadako ang tanungan sa iba’t ibang timelines at petsa hinggil sa P125 million confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022.
View this post on Instagram
Nagastos daw kasi ang naturang halaga sa loob lamang ng 11 araw. Pero nanagtwiran si VP Sara sa hearing na nasa Supreme Court na ang pagresolba sa isyu.
At nang tanungin si VP Sara ni Brosas kung maaari siyang makakuha ng kopya mula sa Korte Suprema, diretsahang sagot ng anak ni former President RodrigoDuterte, “Of course not. I am not the Supreme Court.”
Hirit naman sa kanya ni Brosas, “These are public funds. Everyone has the right to know about these. It’s a matter of public interest. We are asking for transparency and accountability.”
Baka Bet Mo: Herlene Budol sumabak sa Q&A, matapang na sinagot kung dapat sumali ang mga transwoman sa mga beauty pageant
Sagot ni VP Sara, “She may not like my answer. She may not like how I answer. She may not like the content of my answer, but I am answering.”
Kasunod nga nito, dinogshow ng netizens ang pagbigkas ni VP Sara ng salitang “She may not” na kapag pinakinggan nang paulit-ulit ay nagiging “Shi-mi-net.”
Samu’t saring memes na ang naglabasan sa social media gamit ang naturang salita kaya nga sa bawat pag-check namin sa aming Facebook page ay puro “Shiminet” ang bumabandera sa mga post ng aming friends and followers.
Sa Facebook page na “Linya-Linya” mababasa ang kahulugan das ng “Shiminet”, “Short for ‘shit, mainit;’ pakiramdam kapag ginigisa ka sabay wala kang maisagot, kaya dinadaan mo na lang sa angas, pagpapaligoy-ligoy, at pagpapalusot.”
Pati ang manunulat na si Jerry Gracio ay may take rin sa naglipanang memes, “Oks, hindi na kailangan ang KWF, na-settle na ng Linya-Linya ang ispeling.”
View this post on Instagram
Samantala, nagpaliwanag naman ang spokesperson ng Office of the Vice President na si Michael Poa tungkol sa isyu ng confidential funds.
Ani Poa sa isang radio interview, hindi iniiwasan ni VP Sara ang mga tanong sa confidential funds, pinoproseso lang daw ng Commission on Audit (COA) ang tungkol sa notice of disallowances ng OVP.
“Wala pong pag-iiwas sa parte ng ating vice president pagdating dito sa confidential funds. Ang sabi naman po niya, she is cooperating.
“The OVP, the entire office, has been cooperating talaga with COA. In fact, may responses na tayong ibinigay sa kanila. Tuwing hihingi sila ng supporting documents, nagbibigay rin po tayo. So we are cooperating.
“But there is a process. And sa proseso na ‘yan, ayaw rin nating ma-prejudice ‘yung nagaganap na exchange between the OVP and COA pagdating dito. Kasi sabi nga natin ay hindi pa final at pwede pa tayong mag-apela.
“Meron pa rin tayong mga sinasagot na audit findings, so ayaw lang po nating ma-prejudice talaga lahat ng ito,” ani Poa.
Narito naman ang iba pang reaksyon ng netizens sa viral “Shiminet” na iyan.
“She may not pala ‘yon hahahaha.”
“Oh alam n’yo na hahahaha.”
“Meaning ng shiminet: 1. A roundabout way of answering. 2. Not answering questions properly, and then getting upset because your answer wasn’t well-received, especially since you didn’t really answer the question.”
“Shiminet, shiminet, ‘yong init-ulo na lang kunwari para ilihis ang sagot hahaha, tapos mamemersonal attack pa. Fallacy nga ‘yan sa debates eh haha.”
“Masyado talaga ang mga Pinoy ang peperpek eh! Susunod na pangulo ng bansa ‘yan at wala kayong magagawa hahaha.”
“Ganiyan talaga kapag hitik sa bunga ay binabato. Go lang may President Inday Sara!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.