Alice Guo, Wesley Guo nasa Indonesia pa rin ayon sa BI
MAARING nasa Indonesia pa rin ang dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ayon sa Bureau of Immigration.
Nitong Huwebes, August 22, nag-file ng deportation and misrepresentation cases ang BI laban sa kapatid nitong si Shiela.
Nitong Huwebes ay na-deport na sa Pilipinas mula sa Indonesia sina Shiela at Cassandra Ong na nali-link rin sa Lucky South 99 POGO sa Porac, Pampanga.
Samantala, hindi naman kasama ng dalawa si Alice nang ma-apprehend sila ng mga Indonesiann authorities.
“With regards to the movement of Alice Guo, ang huli nating alam, nandoon pa sya sa Indonesia, still no attempts na umalis ng bansang yun,” saad ni BI spokesperson Dana Sandoval.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos nagsalita na sa isyu ni Alice Guo: May mananagot!
View this post on Instagram
Samantala, napag-alaman ng Bi na may Chinese passport si Shiela na valid pa hanggang 2031.
“Ang ating case kay Shiela Leal Guo, we have charged her for deportation case kasi nakikita natin na sya ay isang undesirable alien, as well as charged din sya for misrepresentation, kasi nirerepresenta nya ang sarili bilang isang Pilipino despite holding a Chinese passport,” sabi pa ni Sandoval.
Ayon naman kay House Committee on Public Order and Safety chairperson Rep. Dan Fernandez, may tsansang may malaking tao sa likod nina Alice Guo kaya kinakailangan nitong magtestigo sa House quad committe na siyang nag-iimbestiga sa mga iligal na aktibidad na may kaugnayan sa POGO at dangerous drugs.
“Sino yung taong behind her? There must be somebody bigger than her na dapat nating malaman kasi yung criminal intent, yung mga nangyayaring mga criminal element doon sa POGO sa Porac.
“Hindi ko alam kung kakayanin ni Cassandra Li Ong yung mga torture, pagpatay, pagputol ng mga ulo, pagtorture, hindi makakayanin ni Cassandra yun. Sino ang behind sa kanya? That’s the reason why we want her under our custody,”ayon kay Fernandez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.