Alice Guo muling tatakbo bilang mayor ng Bamban

Alice Guo muling tatakbo bilang mayor ng Bamban, ayon sa abogado

Therese Arceo - October 04, 2024 - 10:26 PM

Alice Guo muling tatakbo bilang mayor ng Bamban, ayon sa abogado

Alice Guo | INQUIRER file photo

MAGHAHAIN si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo para sa muli niyang pagtakbo bilang alkalde ayon sa kanyang abogado na si Atty. Stephen David.

Ayon sa inilabas na ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Atty. David na maghahain nga ang dating alkalde ng reelection bid para muling makapagsilbi sa Bamban.

“Dapat kasi makita ng bayan kung mahal talaga siya ng Bamban. Kasi kung mahal siya, mananalo siya. Kung ayaw na sa kanya, hindi na siya mananalo,” saad ni Atty. David sa muling pagtakbo ni Alice.

Aniya pa, tatakbo siya bilang independent candidate at sa ngayon ay inayos nito ag kanyang mga dokumento para sa pagsa-submit sa ng COC sa pamamagitan ng kanyang representative.

Baka Bet Mo: Special treatment daw kay Alice Guo in-explain ni Karen Bordador

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nauna na ring sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) spokesperson John Rex Laudiangco na tatanggapin nila ang COC ni Alice kung magpapasa ito dahil hindi naman nila hawak ang desisyon ng korte tungkol sa mga kasong inihain laban sa kanya.

“Kahit ‘yung sa Comelec election offense niya na iniimbestigahan namin, wala pa rin pong final na desisyon,” sabi pa ni Laudiangco.

Nilinaw naman ng COMELEC na hindi naman automatic na kandidato na ang isang tao kapag nagsumite na iyo ngg kanyang certificate of candidacy.

Matatandaang noong August 2024 lang ang tanggalin ng Ombudsman si Alice mula sa pagiging mayor ng Bamban matapos mahatulang “guilty” sa grave misconduct.

Dawit rin ang dating alkalde sa mga kaso ng ilegal na aktibidad umano ng Zun Yuan Technology na isamg Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na ni-raid kamakailan sa Bamban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay naka-detain si Alice sa Pasig City Jail Female Dormitory tungkol sa kasong qualified trafficking.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending