Raymond Ronquillo pinatawag sa Senado dahil kay Alice Guo?

Raymond Ronquillo pinatawag sa Senado, may kinalaman sa kaso ni Alice Guo?

Reggee Bonoan - September 08, 2024 - 09:57 AM

Raymond Ronquillo pinatawag sa Senado, may kinalaman sa kaso ni Alice Guo?

Raymond Ronquillo, Alice Guo

NAPA-PUZZLE kami kung iisang tao ang Raymond Ronquillo na gumaganap na Raul sa “FPJ’s Batang Quiapo” na kaibigan ni Coco Martin at ang Raymond Ronquillo na dumalo sa nakaraang Senate hearing nitong Huwebes, September 5, dahil magka-mukha.

Dumalo si Ginoong Raymond sa pagdinig ng Senado dahil nabanggit na siya raw ang may-ari ng resort na Emon Pulo Beach Resort sa Zambales kung saan nagpunta raw ang dismissed Bamban Mayor Alice Guo noong March 2023, kasama ang mga kaibigan na umaabot daw sila ng 20 katao.

Ikinuwento nga ni Ginoong Ronquillo sa senado na nagpunta nga raw si ex-Bamban Mayor Alice Guo, pero hindi niya nakilala ng personal dahil wala siya sa resort at nasa Manila siya.

Baka Bet Mo: Alice Guo kay Sec. Benhur Abalos: ‘Patulong, may death threats po kasi ako’

Ang binabanggit na “nasa trabaho po ako” ni Ginoong Ronquillo ay ito siguro ‘yung negosyo niya bilang kilalang car dealer ng mga luxury cars dahil nakadalo na kami ng mediacon na ginanap sa kanyang showroom somewhere in Quezon City.

Hmm, sa kanya kaya bumibili si Coco ng mga magagara nitong sasakyan kaya sila friends at isinama pa sa “Batang Quiapo?”

Anyway, kaya namin nabanggit ang pangalan ni Ginoong Ronquillo ay dahil nagulat kami bilang kilalang negosyante ay pinasok na rin ang pag-arte?

“Yung eksenang naligo at nag-motorboat ang tropa ni Coco as Tanggol ay ito kaya ang pag-aaring Emon Pulo Beach Resort ni ginoong Ronquillo? in Fairness ang mala-Balesin ang peg.

Mukhang mahaba ang exposure ni Ginoong Raymond Ronquillo dahil kanang kamay siya ng boss Divina ni Tanggol played by Rosanna Roces at hindi siya papatayin agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending