Batang Quiapo sinita dahil sa pananakit sa mga babaeng karakter

Batang Quiapo sinita ng netizens dahil sa pananakit sa mga babaeng karakter

Therese Arceo - August 28, 2024 - 08:35 PM

Batang Quiapo sinita ng netizens dahil sa pananakit sa mga babaeng karakter

TW: Violence

TILA hindi na nagugustuhan ng madlang people ang mga nangyayari sa mga babaeng karakter ng Kapamilya action-drama-series na “FPJ’s Batang Quiapo”.

Usap-usapan ngayon sa social media na tila hindi na naaangkop ang mga eksena sa naturang teleserye kung saan kadalasan ay pangangabit, pananakit, at pang-aabuso ang nararanasan ng mga babaeng karakter mula sa mga lalaking karakter.

Mula sa mga karakter nina Marites (Cherry Pie Picache), Mokang (Lovi Poe), Bubbles (Ivana Alawi), Camille (Yukii Takahashi), at Katherine (Ara Davao) ay pare-parehas na nakaranas ng hindi magandang pagtrato mula sa mga lalaking karakter ng “Batang Quiapo”.

Kaya naman marami sa mga netizens ang nanawagan sa direktor nitong si Coco Martin kung bakit pare-parehas na lang daw ang eksena ng mga kababihan.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial astig sa ‘Batang Quiapo’, ready sumabak sa action scenes

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Nagclick naman ang Batang Quiapo kahit noong sabi nila action-comedy ang genre nito. Bakit hindi na lang ibalik sa ganoong genre? Hindi kasi magandang tignan talaga na puro pang-aabuso sa babae ang pinapakita. Tsaka ano na nga ba ang kwento nito? Wala na halos na aral na nakukuha. Puro gigil at galit na lang, patayan, rape. Mga ganon. Kakasawa,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “I very much agree!!! Whats with rape that they seem to love it! Ok sana kung nakakalaban or nakakaganti man lang yung mga babae pero sa show na to helpless lage. Yan ba sexual fantasy ng directors at parang gustong gusto nya plage isama sa lahat ng eksena ng babaeng character yn? Baka mamay nyan pati Si Tinding magkarape scene narin from Don Facundo ha? I am to blame because I watch this trash show!!”

“Oo nga puro na lang mga lalaking karakter nananaig. May galit ka ba sa mga babae, Coco?” hirit naman ng isa.

May ilan naman na nagsasabing ito naman daw talaga ang reyalidad at mga nangyayari sa buhay ng tao.

“Realidad ‘yan so huwag kayo ngumalngal,” depensa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ng isa, “Daming pawoke dito. Bakit, hindi bat araw araw yan din naman laman ng news? Ang palabas sinasalamin ang tunay na nangyayari sa buhay. Napakasimple, dont patronize something na ayaw nyo.”

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN, “Batang Quiapo” o si Coco Martin hinggil sa isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa paliwanag ng mga kampo hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending