Ina ni Carlos balik pagtitinda ng 'longga', negosyo mas bumongga

Nanay ni Carlos balik sa pagtitinda ng ‘longga’, negosyo mas bumongga

Ervin Santiago - August 21, 2024 - 09:37 AM

Nanay ni Carlos balik sa pagtitinda ng 'longga', negosyo mas bumongga

Carlos Yulo at Angelica Yulo kasama ang pamilya

IN FAIRNESS, mas bumobongga pa ang online business ng nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo dahil sa matinding suporta ng mga netizens.

Maraming nag-oorder ngayon sa ibinebentantang garlic longganisa ni Angelica mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila base na rin sa mga ipino-post niya sa social media.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Proud si Angelica sa kanyang produkto na palagi niyang inilalarawang, “Good food…foods that cooked and made with love… Foods of the champion”, kabilang na riyan ang honey buttered chicken at Vigan longganisa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isang status niya sa Facebook makikita ang kanyang pagpe-prepare sa tindang produkto. At in fairness uli, biglang dumami ang natatanggap niyang mga order.

“Collecting orders of home made garlic longganisa ala Vigan pm for orders 380/kilo,” ang FB post ng nanay ni Carlos.

Sa comments section ng kanyang Facebook message, sandamakmak nga ang nag-inquire sa presyo at sunud-sunod din ang natanggap niyang order na kilo-kilo talaga ang binibili.

May nagkomento pa nga na hindi na kailangan ni Angelica ang pera ni Carlos dahil kayang-kaya naman niyang tumayo sa sariling mga paa at magbanat ng buto para buhayin ang kanyang pamilya.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo kay Carlos: Humihingi ako ng patawad anak…nanay lang ako

Ang good news pa rito, mukhang kumikita na rin ang dalawang anak ni Angelica dahil kamakailan lamang ay ibinandera nga ng ina ni Carlos ang regalo sa kanya nina Elaiza Yulo at Karl Yulo.

Super flex si Angelica sa FB ng ibinigay sa kanya ni Elaiza na mamahaling bag habang bonggang rubber shoes naman ang regalo sa kanya ni Karl, na hindi nagustuhan ng mga fans ni Carlos.

Para raw kasing nagpapatutsada na naman ito sa kanyang 2-time Olympic gold medalist na anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagpaparamdam sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi na ito pinapatulan ni Angelica dahil pinaninindigan niya ang pangakong binitiwan sa kanyang presscon ilang linggo na ngayon ang nakararaan na hindi na siya magsasalita ng anuman tungkol kay Carlos.

Samantala, nag-post rin si Angelica ng mga litrato at video niya sa social media kasama ang kanyang pamilya habang nakasakay sila sa gondola at naglalayag sa man-made grand canal ng Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.

Kung matatandaan, sumakay din sa gondola sa grand canal ng Venice Mall si Carlos kasama ang president ng Gymnastics Association of the Philippines President na si Cynthia Carrion noong August 14.

Ito’y kasabay ng pagtanggap niya sa three-bedroom condominium unit na nagkakahalaga ng P35 million bilang incentive sa nakuhang dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics para sa men’s floor exercise at men’s vault events.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base naman sa panayam ng BANDERA kay dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, wala pa rin daw komunikasyon hanggang ngayon si Carlos sa kanyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending