Jinggoy: Kawawa naman yung bata, pinag-drugs na, hinalay n’yo pa
DUMALO sa pagdinig ng Senado si Sandro Muhlach kahapon hinggil sa isinampa niyang reklamo laban sa dalawang independent contractors at writer ng GMA 7.
Sa pamamagitan ng zoom, humarap ang Sparkle artist at panganay na anak ni Niño Muhlach, sa mga senador upang sagutin ang mga tanong patungkol sa naranasan umanong panghahalay.
Ito’y bahagi pa rin ng isinasagawang hearing ng Senate committee on public information and mass media na siyang nag-iimbestiga sa mga kaso ng sexual harassment sa entertainment industry.
Baka Bet Mo: 2 GMA contractor todo-tanggi na inabuso si Sandro Muhlach
Dito, muling nanindigan ang binata sa kanyang mga akusasyon laban kina Jojo Nones at Richard Cruz at nagsasabi lamang siya ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.
View this post on Instagram
Nagbigay ng ilang detalye si Sandro hinggil sa naranasang panghahalay umano sa kanya, kabilang na ang pag-o-offer daw ng drugs sa kanya bago maganap ang insidente.
Nagsalita si Sandro via zoom habang ang dalawang independent contractors ng GMA na inakusahan niya ng rape na sina Jojo Nones at Richard Cruz ay nasa Senado.
Isa sa mga napag-usapan sa hearing ay ang tungkol sa drugs, na nabanggit din ni Sen. Jinggoy Estrada base sa affidavit ni Sandro.
“Maliwanag na maliwanag na sinabi ni Sandro, may drugs pa na involved, may sexual harassment na involved, hindi na nga sexual harassment eh, assault eh,” ang pahayag ni Estrada.
Pagpapatuloy pa niya, “Dahil pinagsamantalahan n’yo yung bata, pinag-take n’yo ng drugs saka n’yo pinagsamantalahan. That is a drug-induced sexual assault. Tama ba sinabi ko, Arty? NBI?”
Kinumpirma naman ng NBI investigator na si Atty. Zulikha Marie Conales na may alegasyon nga si Sandro na pinag-take siya ng drugs bago ang umano’y sexual assault.
“Kawawa naman yung bata, pinag-drugs niyo na, hinalay niyo pa,” sabi pa ni Estrada.
View this post on Instagram
Pero tigas pa rin sa pagtanggi si Nones, “We deny the allegations, your honor.”
Patuloy na pagtatanong ni Sen. Jinggoy kay Sandro, “When you entered the room, who did you see?”
“Sila pong dalawa,” sagot ng binata.
“What are they doing?” sundot na tanong ni Estrada. Hindi agad sumagot ang young actor at sinabing hindi pa niya ito maaaring sagutin dahil hindi pa natatanggap nina Nones at Cruz ang official complaint.
“No, no, no, you tell us. We ought to know,” ang giit ni Estrada.
Napilitan nang sumagot ang anak ni Niño Muhlach, “Nakita ko po silang dalawa. Si Richard Cruz po ay lasing na lasing na. Ang nag-aasikaso po sa akin ay si Sir Jojo, in-offeran po ako ng wine. Lasing po, (Cruz) nakahiga po siya nu’ng una ko siyang nakita so tumayo po si Richard po.”
Sunod na question ni Sen. Jinggoy, “When Jojo offered you wine, you drank wine?”
“Opo, your honor,” sagot ni Sandro.
“What else did he offer you?” pag-uusisa uli ng senador na hindi uli agad sinagot ni Sandro.
Dito na nagalit si Estrada at nagsabing kapag hindi pa sila nagsalita ay ititigil na nila ang hearing o lalayasan nang tuluyan ang pagdinig.
Kasunod nito, nag-request na ang kampo ni Sandro para sa isang executive session.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.