2 GMA contractor todo-tanggi na inabuso si Sandro Muhlach
TW: Mentions of sexual assault
MARIING itinanggi ng dalawang independent contractors ng GMA 7 ang akusasyong sexual harassment ng baguhang aktor na si Sandro Muhlach.
Sa pamamagitan ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, mariing pinabulaanan nina Jojo Nones at Richard Cruz ang mga reklamo ni Sandro na isinampa sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sabi ni Atty. Garduque sa panayam sa kanya ng media, “At the onset naman sinabi namin na there is an absolute denial of the allegations being accused of our clients. So may denial talaga.”
Hindi nagpunta ang dalawang akusado na ipina-subpoena ng NBI Public Corruption Division nitong nagdaang Biyernes pero naghain sila ng Joint Counter Affidavit.
“Ang NBI naman there’s just still processing the evidence. So hindi pa po talaga ‘to considered as kaso,” paglilinaw ng abogado.
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach diring-diri sa ginawa ng 2 beki: Ang dumi-dumi ko!
Dagdag pa niya, apektado na ang mental health at reputasyon ng kanyang mga kliyente dahil sa malisyosong balita at paratang na ibinabato sa mga ito.
“Kung kilala n’yo naman itong dalawa mga clients namin, they’ve been in the television industry for more than 30 years.
“Naging malinis po ang reputasyon. So this is very destroying to their reputation, sobrang nakakaapekto sa mental health nila ngayon,” pahayag ni Garduque.
Pinag-uusapan pa raw ng kampo ng mga contractors ng GMA kung dadalo sila sa susunod na Senate hearing matapos silang ipina-subpoena dahil sa hindi nila pagpunta sa pagdinig ng Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla.
Samantala, base sa psychological assessment ng NBI Behavioral Science Division na isinagawa kay Sandro, positibong trauma raw ang sinapit ng aktor matapos ang kinasangkutang insidente.
Sabi ng kanyang amang si Niño Muhlach nang humarap siya sa Senate hearing, “Siyempre affected pa rin. May depression, konting depression pati ‘yung pagkain niya naapektuhan, pagtulog. Pero hopefully in the coming days, sana mag-improve.”
At tungkol naman sa career ni Sandro, bahala na raw ang anak niya ang magdesisyon hinggil dito, “Whenever he feels like working again. Nagsabi naman ang GMA na they’re willing to wait.
“Actually nakaharap ko na ‘yung dalawa eh (2 GMA contractor) and they apologized to me regarding what happened. Kaya ko silang patawarin but they have to pay for what they did,” ani Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.