Robin Padilla nangako kay Sandro: We will protect your rights

Robin Padilla nangako kay Sandro Muhlach: We will protect your rights

Therese Arceo - August 13, 2024 - 06:35 PM

Robin Padilla nangako kay Sandro Muhlach: We will protect your rights

ISANG pangako ang binitawan ng actor-politician at chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na si Sen. Robin Padilla kay Sandro Muhlach.

Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pinagdaraanan ng Sparkle artist na sexual harrassment mula sa mga independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

“WE WILL PROTECT YOUR RIGHTS,” ayon sa post na makikita sa opisyal na Facebook page ng Senate of the Philippines.

Baka Bet Mo: 2 GMA contractor na inireklamo ni Sandro ‘di dadalo sa hearing ni Robin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon kay Sen. Robin, hindi man korte ang Senado para alamin kung sinuman ang may sala subalit nais nilang magsagawa ng Senate hearing upang marinig ang kampo ng bawat isa.

Nais rin niyang makapag-isip ang mga mambabatas ng mga bagong batas na beneficial sa mga Pilipino.

“Hindi po kami Huwes. Hindi hukuman ito. Hindi namin papel iyan. Poproteksiyunan po namin ang inyong karapatan dito katulad po ng pagpo-protect sa inyo ng ating mga law enforcement,” saad ni Sen. Robin.

Matatandaang sa nagdaang hearing ay ipinagdiinan nina Richard at Jojo na wala silang ginawang masama laban sa aktor.

Hinamon pa nga ng mga ito si Sandro na sabihin raw kung ano ang totoo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending