Niño Muhlach napaiyak sa Senado dahil sa pang-aabuso kay Sandro
NAPAKASAKIT para sa isang amang tulad ni Niño Muhlach ang ginawang pang-aabuso sa kanyang anak na si Sandro Muhlach.
Hindi napigilan ng aktor at dating child wonder ang maging emosyonal nang humarap siya sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media ngayong araw.
Ang naturang Senate hearing ay pinangunahan ng aktor at public servant na si Sen. Robin Padilla kung saan present din sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla.
Baka Bet Mo: Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro
Masamang-masama ang loob ni Niño sa dalawang “independent contractors” ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz na inakusahan ng kanyang anak ng sexual abuse.
Ayon kay Niño, hindi niya akalaing magagawa ni Dones kay Sandro lalo’t magkasama sila sa GMA sitcom na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kung saan head writer ang huli.
View this post on Instagram
“Para makita mo ang anak mo na nangingingig at hindi halos mahawakan ang telepono niya, nu’ng ikinukuwento sa akin ang ginawa sa kanya lalo na si Jojo Nones po na katrabaho ko, sobrang galang ko sa kanya, sobrang respeto sa kanya.
“Kapag may events kami, ako pa lumalapit sa kanya, Sir Jojo pa nga tawag ko sa kanya kaya talagang hindi ko matanggap na ginawa niya sa anak ko,” ang mangiyak-ngiyak na pahayag ni Niño.
Aniya pa, “Ang isa ‘di ko na naman kilala. Ngayon ko lang nakilala nang nangyari ang insidente. Sobrang sama ng loob ko kay Jojo Nones,” sabi pa ng aktor.
Ang punto pa ni Niño, kung nagawa raw ng dalawang GMA executive sa kanilang pamilya na matagal nang nasa showbiz industry, pwede rin daw itong mangyari sa ibang artista, lalo na sa mga baguhan.
“Nakakasama ng loob kung kayang gawin sa, di ko naman…ang talagang malaking kontribusyon sa industriyang ito, what more sa iba, what more sa baguhan?
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan ikinumpara kay Sandro Marcos, netizens nag-react: Hindi po siya public servant
“Di ko sinasabing may ginawa silang iba pero kung kaya nilang…sa isang pamilya na may pundasyon sa industriyang ito what more sa iba?” lahad ni Niño.
View this post on Instagram
Ang mas nakakagalit pa raw ay parang binabaligtad pa raw nina Nones at Cruz ang kanyang anak na matinding trauma umano ang nararanasan matapos ang insidente.
“Tapos ngayon binabaligtad pa ang sitwasyon? Di ko sinasabing GMA. Binabaligtad ni Jojo at ni Richard ang nangyari sa mga comment nila sa mga press release nila.
“Nakakasama ng loob, kung sino may sala, yan pa ang may ganang bumaligtad sa istorya. Kahit sinong ama o magulang ganoon din mararamdaman para kay Sandro,” emosyonal pang sabi ni Niño.
Hindi dumalo sa pagdinig sina Nones at Cruz dahil ayon sa kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque kapag humarap sa hearing ang mga ito ay, “might be questioned during the senate hearing which may be tantamount to cross-examination during the trial of the case.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.