Bagong show ni Willie sa TV5 sisibakin agad – truth or fake?
KUMALAT sa social media ang tsismis na malapit na raw matsugi ang bagong show ni Willie Revillame sa TV5, ang “Wil To Win.”
Ang chika, mula raw sa tatlong taong kontratang pinirmahan ni Willie sa Kapatid Network ay gagawin na lamang umano itong six months.
Isa ito sa mga napag-usapan sa “Ogie Diaz Update” vlog matapos ngang mapabalita sa social media na balak na raw tanggalin ng TV5 ang bagong-bagong game show ni Willie.
Baka Bet Mo: Hirit ni Ogie Diaz kapag bumalik sa ABS-CBN si Willie Revillame: Mula sa top management ang magre-resign…
“Gaano katotoo, ‘yong sinasabi doon sa Twitter ni Chakapuso, minsan kasi nakakadale ito ng scoop, na hindi ko alam, minsan sumasablay din eh ‘no, sabi ni Chakapuso, sisibakin na sa ere ang Wil To Win!” ang pasakalye ni Ogie Diaz about the tsismis.
Si Mama Loi ang nagbasa ng nakasulat sa X post ng “Chakapuso” na in-upload noong August 10.
View this post on Instagram
“Ayon sa aming source sa Media Quest, ititigil na raw ang pagpapalabas ng show ni Willie Revillame na ‘Wil To Win.’ Mula sa 3 years na kontrata, 6 months na lang ang itatagal ng show dahil sa bagsak na ads at sponsorship…”
“Hindi din nagustuhan ng pamunuan ang diumano’y pagmamaoy ng main host na si Willie Revillame sa pag-uumpisa ng show dahilan para umalis ang isa sa mga host nito.
“Hindi din ikinatuwa ng management ang panenermon ng ni Revillame sa mga staff at host nito.
Baka Bet Mo: Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang ‘technical problem’ sa launching ng ALLTV?
“Sa pagtatapos na kwento ng aming source, tila sising-sisi ang kanilang pamunuan sa pagbibigay ng chance sa nasabing host. Kaya napagdesisyunan na nilang tapusin ang show na sana raw ay masaya sana pero napalitan ng lungkot at galit dahil sa panenermon ni Willie sa tauhan nito,” ang binasang ulat ni Mama Loi.
Pahayag naman ni Mama Ogs, huwag daw basta-basta maniniwala sa lahat ng mga naka-post at nababasa sa social media lalo na sa mga fake accounts o online show.
View this post on Instagram
Sey pa ni Ogie, agad siyang nagtanong sa isang staff ng “Wil To Win” kung may bahid ng katotohanan ang nasabing balita.
Ang sagot daw sa kanya, “Malabo po ata nay, 3years contract at wil to win ang pinaka malakas ngayon sa network.. from super baba daw ng ratings sa oras na un sa ngayon na tumaas dahil sa show.”
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at paglilinas ng management ng TV5 at ni Kuya Wil sa fake news na ito. Kaya warning lang, mag-ingat sa mga pekeng news website at entertainment online portals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.