Willie na-‘high blood’ sa staff ng Wil To Win: ‘Aatakihin ako sa inyo!’

Willie na-‘high blood’ sa staff ng Wil To Win: ‘Aatakihin ako sa inyo!’

Pauline del Rosario - July 19, 2024 - 11:35 AM

Willie na-‘high blood’ sa staff ng Wil To Win: ‘Aatakihin ako sa inyo!’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Wil To Win

USAP-USAPAN sa social media ang pagkadismaya ni Willie Revillame sa ilang staff ng bago niyang variety show na “Wil To Win.”

Mapapanood kasi sa kanyang live show noong HUWEBES, July 18, na pinagsabihan at pinagalitan ang kanyang staff na tila hindi pa alam kung ano ang gagawin.

Kabilang na riyan ‘yung nagkamali ang disk jockey sa opening segment, nang maglakad ang floor director sa harap ng camera, at hindi kaagad naibigay ang mga angkop na materyales para sa isang segment.

“Naiintindihan niyo ba ako kung bakit ako nagagalit? ‘Yan po ang problema ‘pag hindi alam ang ginagawa sa show. Ako lahat ang nananagot,” sey ni Willie.

Dagdag niya, “Tapos sasabihin niyo mayabang na naman, bina-bash niyo ako—kasi pinapaganda ko ang programa.”

Baka Bet Mo: Willie Revillame pinagalitan ang mga staff nang humingi ng video greeting noon mula sa ina, true kaya?

“Nire-rehearse namin ito ha. Pag ni-rehearse, nagkakamali pa rin kami—bakit?… Gusto ko lang ipaliwanag kasi ako ang nagiging kawawa, arogante at mayabang sa show na ito,” paliwanag niya.

Wika pa niya, “Maawa kayo sa akin. Lahat ako ang nag-iisip para sa inyo.”

@iaminnocent_warrior WilToWin #willierevillame #wiltowin #tv5 ♬ original sound – r.angelo

Sa huling bahagi ng show, pinili ng TV host na huwag nang ituloy ang isang segment dahil nagkulang na sila ng oras na dulot ng ilang delays.

Kasabay niyan, nagsabi siya sa kanyang staff na magkakaroon sila ng meeting after ng programa.

“Diyos ko, aatakihin ako sa inyo dito… Napakaswerte ko ngayong araw na ito. Bukas naka-dextrose ako,” biro niyang sabi.

Aniya pa, “Maawa kayo sa akin. Nahihirapan na ako sa show na ‘to. Ako lahat. Tapos ako ang naba-bash ‘pag nagagalit ako sa ere.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

@iaminnocent_warrior WilToWin #tv5 #wiltowin #willierevillame ♬ original sound – r.angelo

Recently lamang, naging laman din ng mga balita si Willie matapos magpatutsada sa mga katapat na programa ng “Wil To Win.”

“Ang importante ang show na ‘to ay original. Inisip ‘to para sa inyo. Hindi ‘to binibili sa ibang bansa,” sambit niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending