Willie pinatunayang hindi gahaman at uhaw sa kapangyarihan; Will To Play may bonggang pasabog
Willie Revillame
KUNG kaliwa’t kanang batikos at pangnenega ang inaabot ngayon ng ilang celebrities na tatakbo sa May, 2022 elections, puring-puri naman ng sambayanang Filipino si Willie Revillame.
Ito’y matapos ngang ibandera ng TV host-comedian sa buong universe na hindi na siya kakandidato sa anumang posisyon sa gobyerno sa darating na eleksyon.
Sa Facebook page ng BANDERA, bumuhos ang magaganda at positibong komento ng netizens para kay Willie matapos mabasa ang balita na hindi na niya itutuloy ang pagtakbong senador next year.
“Kinausap ko yung sarili ko, kailangan ikaw ang magdesisyon sa sarili mo, hindi yung ibang tao. Hindi yung opinyon nila, dapat kausapin mo yung sarili mo kung gusto mo ba to? Kaya mo ba yan? Anong gagawin mo diyan? I we-weight mo yan.
“Hindi naman ako magaling mag- English, hindi naman ako magaling, wala naman akong maiaambag at baka lait-laitin lang ako ng magagaling na senador at baka sayang lang ang boto n’yo sa akin.
“Hindi ko pa kayang gumawa ng batas. Sa ngayon ay magpapatuloy ang ‘Wowowin’ dahil itong programa ko ay ginawa para magpasaya at magbigay pag-asa sa sambayanang Pilipino.
“Hindi ko po kailangang kumandidato. Hindi ko po kailangang manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo. Dahil sa puso ko, sa isip ko, dapat laging ang mga Pilipino ang panalo,” ang mahabang pahayag ni Willie.
Narito ang ilan sa mga komento ng BANDERA readers sa naging desisyon ng TV host-comedian.
“Tama po. Ang senador dapat aral kasi taga gawa nga ng batas.Marunong para maipasa nya.Dami u natutulungan kuya Wil isa na kmi dun. Nasali sa singing champion c apo.”
“Yan ang tao…hindi porke artists galaw ng galaw sa mundong magugulo…pinag iisipan nya para cyang kumuha ng bato para ipukpok sa ulo nya.”
“You have no grand illusion of yourself, your humility and honesty sets you above the rest…not claiming that you are God sent to humanitu. Hahaha!”
“I salute you Willie that was a wise decision you have made….you really have your own way of helping the people specially the needy ones…without entering politics…God Bless!”
“Kuya willy you are a brave man .you did not seek to the highest position ln the government.but you put the welfare of other people who need you more first.so its up to you lord we love you brother willy keep on giving happiness to all of us.god bless may the spirit of the lord be with you always.”
“Yan dapat honest..tsaka kahit hindi xa tumakbo kahit anong posisyon sa government marami nman xang natutulongan.”
“Tamang batas ginawa mo un hindi ka humalo sa mga plastik na pulitiko…taos puso un pagtulong mo sa tao..ganda…willie god bless you more!”
“NGAYON MAS HINANGAAN KA NG MGA TAO SA GINAWA MONG PAG ATRAS.PARA DIN SA IYO IYON AT TAMA DIN DAHIL KUNG MANANALO KA AT WALA KANG MAPAPASANG BATAS MASISIRA KA LANG SA TAO. KAHIT HINDI KA KANDIDATO NAKAKATULONG KA PA RIN NMN IYON ANG MAHALAGA AT HINDI KA PA MAPUPULAAN NG MGA TAO.”
“TAMA IYANG GINAWA MO HINDI MO PINATULAN ANG IMBITA NG NAMUMUNO. DAHIL IKAW DIN ANG MASISIRA. KAYA TAMA IYAN GINAWA MO WILLIE AT BILIB KAMI SA IYO. IPINAKIKITA MO LANG NA HINDI KA GAHAMAN SA PUESTO.”
“Very good kuya Will pinahanga mo ako. Mabuti kpa tapat at totoo sa sarili mo kilala mo talaga sarili mo d tulad ng iba kinakalaban ang sarili nila para lang masunod hangarin kahit naman d karapat dapat…sana maging malaking inspirasyon ka sa kanila…good luck sau at sa programs mo marami kpa mapapasaya at matutulungang mga kababayan natin!”
“Kahanga hanga ang ginawa mo Wil, hindi mo ikinahiya ang desisyon mo, katulad mo si mang Dolphy naging totoo lang siya sa kanyang sarili at naging tapat sa naging desisyon nya,kahanga hanga kayo, dapat tularan din kayo ng ibang gustong manungkulan na kung hindi sila nakatitiyak sa kanilang sarili huwag ng tangkain pang sumabak sa pulitika!”
* * *
Speaking of Willie Revillame, may isa pa siyang bonggang sorpresa para sa sambayanang Pinoy — ito ang “Wil To Play 10.10 Special 10-Day Doble Panalo Raffle.”
Sa loob ng 10 araw, simula ngayong Oct. 10 (Sunday), 10 daily winners of P10,000 each (P5,000 gift certificate from Wil To Play + P5,000 gift certificate from Kuya Wil, both convertible to cash) ang maswerteng bubunutin sa raffle.
Bukod pa ito sa ipinamimigay na prize package which includes sacks of rice, groceries and other essentials (Kailangan Package), smartphones (Kasiyahan/Kaalaman Package), brand new motorcycles (Kuya Wil’s Special Prize), food cart + Wil To Play Negosyo Reseller/Outlet puhunan(Grand Kabuhayan Package) and tricycle + Wil To Play Negosyo Reseller/Outlet puhunan (Ultra Grand Kabuhayan Package).
“In addition, from October 10 moving forward, Wil To Play gives winners the power to choose by offering the option to convert all prize packages to cash to facilitate easier distribution, especially to provincial winners.
“Wil to Play brings the fun and excitement of a television game show to your mobile phones. The games may be virtual, but the prizes at stake are definitely real.
“Wil to Play is from Perya Perya (from the Filipino term amusement park), the mobile game arcade platform of technology company Big Crunch Digital Pte. Limited (Big Crunch Digital).
“Wil To Play is available to download at the Google Play Store. For more information on Wil To Play, please visit WilToPlay.com or facebook.com/WilToPlay,” ayon pa sa pahayag ng mga bumubuo ng bonggang paandar ng Team Wil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.