Willie Revillame pinagalitan ang mga staff nang humingi ng video greeting noon mula sa ina, true kaya? | Bandera

Willie Revillame pinagalitan ang mga staff nang humingi ng video greeting noon mula sa ina, true kaya?

Reggee Bonoan - February 11, 2023 - 06:45 PM

Willie Revillame pinagalitan ang mga staff nang humingi ng video greeting noon mula sa ina, true kaya?

TRULILI nga ba na hindi nagustuhan ni Willie Revillame na binati siya ng kanyang nanay though video na umere sa programa noong kaarawan niya years ago.

Mainit ngayon ang “Wowowin” host dahil sa isyu ng AMBS at sa kanila ni Nanay Cristy Fermin kaya may mga nakatrabaho siya noon na nagpapatunay kung anong ugaling mayroon ito.

Kuwento ng aming source, “Naisip naming gumawa ng surprise birthday greeting from his mother para sa kanya (Willie) sa live show. Nahanap namin ang Nanay niya nasa malayong lugar nakatira sa maliit na bahay.

“Pinalabas namin ang birthday greeting ng mommy niya sa live show, nasa inset siya, hindi ngumiti. Nu’ng nag-commercial pinagalitan niya ‘yung mga staff bakit daw in-interview nanay niya, hindi raw dapat ginawa ‘yun.”

Dagdag pa, “injustice ‘yan sa staff, naghirap sila na hanapin ‘yung nanay niya, nagmagandang loob lang naman ‘yung staff para masaya siya (Willie) sa birthday niya tapos pinagalitan niya.”

May isa pang taong malaki rin ang naitulong sa host bukod kay nanay Cristy na nagsisisi raw ngayon.

Ayon sa aming source ay pinadalhan siya ng mensahe ng taong nakatulong kay Willie noon, “Nagsisisi nga ako at ibinalik ko pa siya sa showbiz, nagsisisi ako at hindi ko naipagtanggol ‘yung mga staff, dapat ipinagtanggol ko sila. Dapat pinatanggal ko na lang siya sa show noon pa. Hindi dapat inilalagay sa harap ng kamera ang mga gayang ugali.”

Duda namin ay noong nasa ABS-CBN pa ito nangyari dahil nakikita namin noon ang mommy ni Kuya Wil pagkatapos ng show nito na inaabutan ng jacket ng staff.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

Mahigit isang dekada na ang nakalipas kaya baka naman okay na ang relasyon ng TV host sa kanyang nanay.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Willie Revillame.

Related Chika:
Willie sumabog na: ‘Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban… masyado n’yo na akong inaapi at sinasaktan!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: ‘May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang’

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending