Carlos, Chloe pauwi na ng Pinas, maligaya sa piling ng isa't isa

Carlos, Chloe pauwi na ng Pinas, maligaya pa rin sa piling ng isa’t isa

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 11:44 AM

Carlos, Chloe pauwi na ng Pinas, maligaya sa piling ng isa't isa

Carlos Yulo at Chloe San Jose

EXCITED much na ang sambayanang Filipino na makita at ma-congratulate nang personal ang 2-time Olympian gold medalist na si Carlos Yulo.

Pauwi na ng Pilipinas ang Pinoy champ kasama ang kanyang controversial girlfriend na si Chloe San Jose mula sa pakikipaglaban sa 2024 Paris Olympics kung saan nakasungkit nga siya ng dalawang medalyang ginto.

Nag-post sina Carlos at Chloe ng magkaparehong mga litrato sa kanilang social media accounts na magkasama sa loob ng eroplano pabalik ng bansa.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw talaga niya kay Chloe

In fairness, mukhang hindi naman sila masyadong affected ng mga isyu at kontrobersyang kinasasangkutan nila ngayon dahil kitang-kita ang nag-uumapaw na kaligayahan nila sa piling ng isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Marami naman ang nagpapayo kay Chloe na sana’y huwag nang sumama sa mga motorcade na gagawin ni Carlos at ng iba pang Pinoy athletes na lumaban sa Paris Olympics para hindi na madagdagan ang galit sa kanya ng fans.

Abangers din ang madlang pipol kung sino ang unang magpapakumbaba sa mag-inang Carlos at Angelica Yulo upang tuluyan nang magkaayos ang kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Rosmar relate much kay Chloe: ‘Same…lagi ko katabi, kasama asawa ko’

May mga nagsasabi ring baka raw may plano na si Chloe para maayos na ang alitan ng kanyang boyfriend sa nanay nito. Marami kasi ang nagpapayong baka raw hinihintay lamang ni Angelia Yulo na siya ang unang makipag-ayos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, magaganap ang Heroes’ Grand Homecoming Parade ng mga atletang Pinoy sa pangunguna ni Carlos at ng bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas bukas, August 14, 3 p.m..

Iikot ang parada mula sa Aliw Theater hanggang Rizal Memorial Sports Complex: V. Sotto (Aliw Theater), kakaliwa sa Roxas Blvd. kakanan sa P. Burgos Avenue, didiretso sa Finance Road, kakanan sa Taft Ave., kakanan sa Pres. Quirino Ave., kakaliwa sa Adriatico St., kakanan sa Mendiola St., at kakaliwa sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ayon sa MMDA, magpapatupad sila ng stop-and-go scheme sa mga intersection na daraanan ng parada kaya naman amg advice nila sa lahat ng motorista dumaan sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa matinding trapik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inaasahan naming aabot pa sa P100 million ang matatanggap na incentives at reward ni Carlos mula sa gobyerno at mga private companies sa Pilipinas na super proud sa kanyang achievements sa Paris Olympics 2024.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending