Rosmar relate much kay Chloe: ‘Same…lagi ko katabi, kasama asawa ko’
TILA ipinagtanggol ng negosyante at content creator na si Rosmar Tan ang dyowa ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose.
Sa pamamagitan ng Facebook, inihayag ni Rosmar ang kanyang saloobin at inaming nakaka-relate siya sa magdyowa.
“‘Di na n’ya kasalanan na sobrang proud sa kanya [ng] boyfie niya kaya kahit anong achievement niya katabi niya gf niya [smiling face, red heart emojis],” caption ng vlogger, kalakip ang shinare niyang litrato nina Chloe at Carlos.
Patuloy niya, “Miski ako kahit saan ganap lagi ko katabi, kasama asawa ko. Kasi kasama ko siya ‘nung walang wala hanggang sa nagkameron na ako.”
“Same sa kanya lagi lang din ako sa tabi niya [double heart emojis],” aniya pa.
Baka Bet Mo: Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe
Marami kasi ang nagrereklamo at kumukwestyon kung bakit kailangan din humarap sa mga camera si Chloe sa tuwing may interview at presscon ang two-time Olympic gold medalist.
Ayon pa nga sa mga nabasa naming comments, dapat daw ang kasamang humarap ni Carlos sa kanyang presscon ay ang kanyang coach o trainer at hindi si Chloe.
Kahit ang komedyanteng si AiAi Delas Alas ay napansin ang laging pagtabi ni Chloe sa Olympic champion.
“Parang na-off ako kasi si girly habang ini-interview si Carlos, nakasandal dito [sa balikat] ‘yung baba ni ate girl,” sey ng batikang aktres sa isang video post.
advice pa niya sa girlfriend ng atleta, “Ate girl, dapat kapag hindi ka naman kasama sa interview, dito ka na lang sa side by side ng darling mo.Kasi siyempre, Olympian ‘yun, siya ‘yung ini-interview. Dapat hindi ka na medyo sumasali ng konti doon sa eksena.”
Bukod diyan, nakiusap rin si AiAi sa mga nag-i-interview kay Carlos na huwag nang makialam sa personal na problema nito sa pamilya, lalo na’t hindi naman kasama sa showbiz ang atleta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.