KathDen movie problemado dahil sa pagsugod ng fans sa Calgary

KathDen movie problemado dahil sa pagsugod ng fans sa Calgary

Reggee Bonoan - July 30, 2024 - 05:13 PM

KathDen movie problemado dahil sa pagsugod ng fans sa Calgary

Kathryn Bernardo at Alden Richards

NAKA-CHAT namin ang kaibigang naka-base na sa Bridlewood, Calgary, tungkol sa pagkakagulo ng mga kababayan natin doon dahil kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Bungad ng aming kaibigan na ayaw magpabanggit ng pangalan, “Huy, mga kapitbahay ko nagpunta do’n sa shooting daw nina Kathryn at Alden.

“Hindi ako makapunta, alam mo na may pasok.  Nu’ng paalis ako ng bahay nakasalubong ko sila, nagmamadali at may shooting daw,” sabi sa amin.

Open book naman kasi na sa Calgary, Alberta sa Canada ang shooting ng sequel ng “Hello, Love, Goodbye” na “Hello, Love, Again” at ipalalabas sa darating na Nobyembre ngayong taon mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana produced ng Star Cinema at GMA 7.

Baka Bet Mo: Ilang netizens kontra sa pagbibida ng KathDen sa Pinoy version ng ‘QOT’

Tanda namin ay kami ang unang nagsulat dito sa BANDERA kung saang parte sa Canada ang location ng shooting ng “HLA” dahil nag-post ang dating staff ng Star Cinema na dumalaw sa bahay nila si direk Cathy kasama ang kanyang staff.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KATHDEN MAGICS GLOBAL (@kathdenmagics)


Kaya napagtanto naming sa Calgary nga ang location at hindi rin naman naging maramot sina Kathryn at Alden na binanggit ding sa Canada nga ang location ng shooting nila.

At dahil hindi naman nagpunta ang kaibigan namin sa shooting ay sakto na may balita sina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika kaninang tanghali sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM tungkol sa KathDen shoot.

May mga larawang ipinakita sa programa ng “CFM” na maraming tao nga sa location at nagpapa-picture sa dalawang bida at may mga lady guard din sa paligid para magbantay.

Kumuha raw ng mga local production staff doon para nga naman hindi na rito sa Pilipinas manggaling dahil malaking gastos pa ito.

Baka Bet Mo: Hugot ni Rabiya matapos matalo sa 2020 Miss U: In my heart, I did everything I can

May nakita naman kaming video sa TikTok na may nagsabing, “Wag daw tayong maingay.” At nang naglalakad na ang KathDen palabas ng bahay ay tinawag ng mga kababayan natin at kumaway naman ang dalawa.

Kaya pala naringgan namin ang kababayang Pinoy na nagsabing “wag maingay” ay dahil baka mapaalis sila.

Ang kuwento ni ‘Nay Cristy, “Ito Romel may tumawag sa akin na taga-Canada mismo kasi nga residential ‘yung sa Bridlewood at ang iniintindi nila ay huwag mag-ingay o magsisigaw doon dahil kapag nagreklamo ang mga residente roon dahil malaking problema pa kahit may permiso pa sila (mag-shoot). Kapag may nagreklamo hahanap sila ng ibang lugar.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KATHDEN MAGICS GLOBAL (@kathdenmagics)


Nabanggit pa na problemado ngayon ang production staff sa shooting dahil ang daming tao at siyempre kapag may kukunan nang malayo ay may mga mahahagip kaya nakikiusap daw ang staff na dapat nasa isang lugar lang ang supporters.

“Natural maraming nagpunta kasi araw-araw nasa TikTok sila (KathDen) at sinasabi kung nasaan sila kaya maraming kababayan tayong nasa Canada na nagpuntahan doon kasi kumalat nang kumalat na g kumalat,” kuwento pa ni ‘Nay Cristy.

Totoo naman din dahil kapag ang mga Pinoy ay nakabalita na pupunta ang paborito nilang artista sa ganitong lugar ay magli-leave sila sa trabaho para makabisita kung saan mang lugar sila.

Maraminl nang nag-aabang sa “Hello, Love, Again” nina Kathryn at Alden dahil long overdue na raw itong part 2 na nakapanood ng “Hello, Love, Goodbye” na sa Hongkong naman ang location.

Nang mabalitaan namin na may sequel ang “HLG” ay naisip naming isasali ito sa 50th Metro Manila Film Festival at nasulat din namin dito sa BANDERA na tiyak na maraming patataubing pelikula ang KathDen dahil dumaming lalo ang supporters nila ngayong single na si Kathryn at halos lahat ay botong-boto kay Alden.

Good thing hindi isinali sa MMFF dahil may Vice Ganda entry under IdeaFirst Company na ididirek ni Jun Robles Lana, e, knowing naman ng lahat na may followers si direk Jun kapag Metro Manila Film Festival.

“Kaya tiyak na maninira na naman ito ng takilya sa Nobyembre,” sambit pa ni ‘Nay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suportado rin kaya ito ng OWWA sa pamumuno ni DA Arnell Ignacio tulad ng pagsuporta niya sa “When We Met in Tokyo” movie nina Ms. Vilma Santos-Recto at Christopher de Leon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending