Kathryn Bernardo handa na bang pasukin ang pagpapa-sexy?

Kathryn Bernardo handa na bang pasukin ang pagpapa-sexy?

Therese Arceo - July 11, 2024 - 03:22 AM

Kathryn Bernardo handa na bang pasukin ang pagpapa-sexy?

USAP-USAPAN ngayon ang nag-uumapaw na kaseksihan ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Ito ay kaugnay sa naging mainit na dance performance ng dalaga sa nagdaang Superbods 2024 Finals.

Nitong Martes, July 9, nagkalat sa social media ang ilang mga larawan maging ang mga video clips kung saan makikitang ang super hot dance performance ni Kathryn na talagang nagpa-wow sa madlang pipol.

Marami rin sa mga madlang pipol ang talagang napahanga at sinabing simula nang maging single ang dalaga ay tila mas naging komportable ito sa kanyang sarili.

Baka Bet Mo: Julia Montes, Kathryn Bernardo walang inggitan: Kami talaga ang magka-loveteam by heart!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, ibinahagi naman ni Kathryn sa kanyang speech na ang kanyang “best version” ng sarili ay nagsisimula sa kanyang growth bilang tao.

“To become the best version of ourselves, it comes with growth. For me, as long as you have awareness and the willingness to grow every day,” pagbabahagi ng dalaga.

Pagpapatuloy pa ni Kathryn, “I believe in the 1 percent habit. Like every day you try to be 1 percent better. You can’t do anything overnight, so 1 percent progress.”

Super proud rin naman ang kanyang ina na si Mommy Min sa nagliliyab na performance ng kanyang anak na kahit sexy ay talagang elegante pa ring panoorin.

“Congratulations anak! So proud beyond words!!!” sey nito sa kanyang Instagram post kalakip ang naging performance ni Kathryn.

Nagpasalamat rin si Mommy Min sa mga taong nagpakita at patuloy na nagbibigay suporta sa kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you so much to everyone who was there to support and guide [@bernardokath]. Grabe ang hardwork and preparation mo for this, anak! Na-test na naman ang self control and disiplina mo,” dagdag pa nito.

Bukod kay Kathryn, present rin sa Superbods 2024 sina Marian Rivera, Pia Wurtzbach, at Aga Muhlach.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-perform ng sexy dance ang Kapamilya actress dahil nag-viral rin ang dalaga matapos ang kanyang “Water” performance ilang buwan matapos ang kumpirmasyong hiwalay na siya kay Daniel Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending