Ilang netizens kontra sa pagbibida ng KathDen sa Pinoy version ng ‘QOT’
BARDAGULAN ang netizens sa tanong ng BANDERA kung bet ba nilang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bumida sa Pinoy version ang hit Korean series na “Queen of Tears.”
Maraming KathDen fans ang um-agree sa suggestion na sina Kathryn at Alden ang kuning lead stars sakaling gawan nga ng Filipino adaptation ng makasaysayang K-drama.
Pero may mga nagkomento rin na bagay ang nasabing project kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz o kina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pwede rin daw ibigay ito kina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Ang “Queen of Tears” na pinag-uusapan pa rin ng mga manonood ay pinagbidahan nina ng mga Korean superstars na sina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won.
Baka Bet Mo: Aubrey inakusahang ‘epal at spoiler’ dahil sa finale ng ‘Queen of Tears’
View this post on Instagram
Ito’y itinuturing na ngayong “highest rated cable TV drama” sa Korean network na tvN. Tinalo na nito ang rating ng 2020 hit K-drama na “Crash Landing on You” na pinagbidahan naman nina Hyun Bin at Son Ye-jin.
Ayon sa ulat, ang final two episode ng serye nitong nagdaang Sabado at Linggo ang nag-set ng new record sa kasaysayan ng telebisyon sa Korea.
Base sa polling firm na Nielsen Korea, ang episode 16 ng “Queen of Tears” na umere sa Netflix kagabi ay nakakuha ng nationwide rating na 24.85 percent, the highest to date. Pinanood daw ito ng 6.39 million people.
Binura nga nito ang record ng naitalang nationwide rating ng “Crash Landing on You,” na nakakuha ng 21.683 percent para sa 16th at final episode nito noong February 16, 2020.
Bukod dito, sinira rin ng 24.85 percent ng “Queen of Tears” ang 23.779 rating ng “Sky Castle” na umere naman sa JTBC channel.
Kasunod nga nito, marami ang nag-suggest na gawan agad ito ng Pinoy version pero may sang-ayon at merong kumontra sa pagbibida rito nina Alden at Kathryn. Narito ang ilan sa mga comments ng ating nga ka-BANDERA.
“Realtalk baduy kpg pinoy gumagawa remake.”
“Wag na no offense meant but napakabaduy gumawa ng remake ng pinas, wag Nila sirain, d Nila Kaya pantayan ang galing sa pag-arte ng mga cast ng Queen of Tears.”
Baka Bet Mo: Alden, Kathryn pinu-push para sa Pinoy version ng ‘Queen of Tears’, bet n’yo?
“Nope. nakakairita yung mga nagreremake. madaming magagaling na writers ang Pinas. meron din tayong magagaling na artista, bakit kailangan puro remake nalang? nako compare yung orig sa sunod na gagawa, lalo kung hindi pareho ng level.”
“Sana ay I ibang love story at di remake. We believe mamahalin hahangaan ulit Ang kanilang tambalan. Good luck.”
“Pakiusap wag nyo na pong iremake baka baboyin nyo lang.”
“Literal di ninyo kami maakit sa remake ng QOT mas gugustuhin pa namin yung Korea Original Version saka hindi ninyo makukuha ang malaki ratings compare sa QOT Kdrama version.”
“Mas ok if yong original na drama Yung kanila talaga.”
Forget it. Actor n actress are simply beautiful. They got charisma. It’s diff acting. Iba ag arrive its so natural. Mata lang minsan nagsasalita sa actor.”
“Wow the way they carry themselves is sooo elegant. The height….by golly Cinematography Wag na gawin. Iba approach nila.”
View this post on Instagram
“Kung bata bata pa sana si Marian sya bagay jan kasi tariray si hae in sya lng may awra n gaya ng kay hae in e kaso may edad n e, wala ko maisip na tariray look. tas si dennis trillo si Hyun woo.”
“To be honest, If it will be produced by ABSCBN and Let Star Magic/Abs Cbn Artist do the act, it will be possible. No offense to GMA artist and the network. Take What’s wrong with secretary Kim as an example. Not a flop at all compared to Start up.”
“Omg! ISAng malaking kabaduyàn! Kapapalabas Lang po at huwag NYO pong sirain. Haiz!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.