Alden, Kathryn pinu-push para sa Pinoy version ng ‘Queen of Tears’, bet n’yo?
HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga Pinoy viewers ang finale ng hit South Korean series na “Queen of Tears“.
Talagang nagmarka at tumatak sa kamalayan ng lahat ng naadik sa naturang K-series ang madadrama, nakakakilig at makapigil-hiningang mga eksena nina Kim Ji-won at Kim Soo-hyun.
E, di ba nga, winasak na nito ang record ng isa pang matagumpay na K-drama sa history ng tvN Network sa Korea, ang “Crash Landing on You” matapos magtala ang final episode ng “Queen of Tears” last April 28 ng nationwide rating na 24.850%, ang highest-rated tvN series.
Baka Bet Mo: Hiwalayang Moira at Jason nahulaan ng netizen: ‘Magbi-break din sila panigurado sa 2022!’
Nabura nito ang record ng huling episode ng “Crash Landing on You” na 21.683% noong February 16, 2020. Ito ang ikatlong highest-rated series sa Korean cable television history for viewership ratings, at second highest sa dami ng viewers.
View this post on Instagram
Kaya naman ngayon pa lang ay marami na ang nagtatanong kung kailan kaya ito magkakaroon ng Pinoy version at sino kaya ang perfect na gumanap bilang Hae In at Hyun Woo.
May mga nababasa kaming mga suggestions mula sa mga netizens kabilang na ang mga pangalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, Marian Rivera at Dingdong Dantes, Km Chiu at Paulo Avelino, at sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Pero mukhang mas maraming um-agree sa suggestion ng ating friendship at entertainment editor na si Nathalie Tomada na bagay kina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang Pinoy adaptation ng “Queen of Tears.”
Kayo dear BANDERA readers, sino ang bet n’yo na magbida sakaling gawan nga ng Pinoy remake ang “Queen of Tears”? Send lang kayo ng entries at isusulat natin iyan sa next nating chikahan.
* * *
Na-hook din pala sa panonood ng “Queen of Tears” si Congresswoman Camille Villar. Naikuwento niya ito sa ilang members ng showbiz press recently.
Natanong kasi siya kung napapanood din ba niya ang naturang Korean series at kung nakaka-relate ba siya sa character ni Hae-in na anak ng owner ng malalaling shopping malls.
View this post on Instagram
“Marami na akong iniyak diyan sa Queen of Tears na yan! Pero sana hindi naman ako magkasakit. Ha-hahaha! My husband…a lawyer, so relate ako.
“Medyo tragic e. So, ayokong maka-relate. Pero I really like it. Gandang-ganda ako sa kanya.
“When I started watching it, my friends telling me ‘you have to watch it, you have to watch it.’ Pero nakakaiyak pala yun, Diyos ko!” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.