Kim Soo-hyun, Kim Ji-won magpapakilig sa K-drama na ‘Queen of Tears’
LOVE, war and tears.
Ganyan ang peg ng bagong K-Drama na pagtatambalan ng Korean stars na sina Kim Soo-hyun at Kim Ji-Woon.
Pinamagatan itong “Queen of Tears” na mapapanood sa Netflix ngayong buwan.
Kalalabas lang ng pasilip at mapapanood na iikot ang istorya ng serye sa isang married couple na may pagsubok na pinagdadaanan sa kanilang relasyon.
Bagamat may hinaharap na hamon biang newly-married couple, makikita na pag-ibig pa rin ang mananaig sa huli.
“The queen of department stores and the prince of supermarkets weather a marital crisis—until love miraculously begins to bloom again,” sey sa synopsis na inilabas ng Netflix.
Baka Bet Mo: Pinoy fans ng K-drama star na si Kim Soo-hyun inggit na inggit kay Belle Mariano: ‘Sana all!’
Ang “Queen of Tears” ay nakatakdang ipalabas sa darating na March 9.
Asahan ang mala-coaster ride sa bagong K-Drama na talagang papaiyakin, patatawanin at pakikiligin ka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.