Pinoy fans ng K-drama star na si Kim Soo-hyun inggit na inggit kay Belle Mariano: 'Sana all!' | Bandera

Pinoy fans ng K-drama star na si Kim Soo-hyun inggit na inggit kay Belle Mariano: ‘Sana all!’

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Pinoy fans ng K-drama star na si Kim Soo-hyun inggit na inggit kay Belle Mariano: ‘Sana all!’

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:00 AM

Pinoy fans ng K-drama star na si Kim Soo-hyun inggit na inggit kay Belle Mariano: 'Sana all!'

Kim Soo-hyun, Belle Mariano at Donny Pangilinan

INGGIT na inggit kay Belle Mariano ang mga Pinoy fans ng sikat na sikat na Korean superstar na si Kim Soo-hyun.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na comments at reaksyon ang litrato ng Kapamilya youngstar kung saan kasama nga niya si Kim Soo-hyun.

Napa-sana all na lang ang mga supporters ng Korean actor sa Instagram photo nila ni Belle na kuha sa kanyang fan meet na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan.

Si Belle ang nagsilbing front act sa nasabing fan meet ni Kim Soo-hyun na in-organize ng Dunkin Donuts, na talaga namang pinalakpakan at tinilian ng audience.

Humataw ang ka-loveteam ni Donny Pangilinan on stage with her performance of Dua Lipa’s “One Kiss”. Kinanta rin niya ang kanyang  own single na “Sigurado.”

Ibinahagi ni Belle sa kanyang social media account ang mga naging kaganapan sa nasabing event kabilang na nga ang bonggang litrato nila ni Kim na bumida sa K-drama series na “It’s Okay to Not Be Okay”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


Ito na ang ikalawang pagkakataon na bumisita ang Korean actor sa Pilipinas sa loob lamang ng isang taon, mula pa rin sa imbistasyon ng donut brand na ineendorso nila ni Belle.

Matatandaang noong June, 2022 ay naiyak pa si Kim nang makaharap niya nang personal ang mga fans sa naganap na fan meet sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Bukod sa “It’s Okay to Not Be Okay,” napanood din si Kim sa mga hit Korean series na “Dream High,” “Moon Embracing the Sun,” at “The Producers.”

Unang bumisita ang Korean star sa Pilipinas noong May, 2017.

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakaramdam nga ba ng inggit si Julia Montes sa pagsikat ni Kathryn Bernardo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending