Aubrey 'epal at spoiler' daw dahil sa 'Queen of Tears' finale

Aubrey inakusahang ‘epal at spoiler’ dahil sa finale ng ‘Queen of Tears’

Ervin Santiago |April 30,2024
facebook
share this

Aubrey inakusahang ‘epal at spoiler’ dahil sa finale ng ‘Queen of Tears’

Ervin Santiago - April 30, 2024 - 12:20 AM

Aubrey inakusahang 'epal at spoiler' dahil sa finale ng 'Queen of Tears'

Aubrey Miles, Kim Soo-hyun at Kim Ji-won

NAKIPAGSAGUTAN ang aktres na si Aubrey Miles sa isang netizen na naimbiyerna sa kanya nang dahil lang sa hit Korean series na “Queen of Tears.”

Gumawa ng kasaysayan ang sikat na sikat na K-drama matapos tanghalin ang finale episode nito na umere last Sunday bilang “highest-rated episode of any drama in Korean channel tvN history.”

Pinagbibidahan ito nina Kim Soo-hyun bilang si Baek Hyun Woo at ang leading lady niyang si Kim Ji-won na gumaganap naman bilang Hong Hae In.

Baka Bet Mo: Aubrey Miles halos mag-hello ang boobs sa pasabog na topless photo habang nasa bathtub

Tinalbugan na ng “Queen of Tears” ang rating ng last episode ng isa pang matagumpay na K-drama, ang “Crash Landing on You” noong February 2000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 눈물의여왕 | Queen of Tears (@queenoftears_tvn)


Sa report ng Nielsen Korea, nakakakuha 24.850% ang pinakamataas na rating ng Queen of Tears, at 21.683% naman ang “Crash Landing on You” na pinagbidahan nina Hyun Bin at Son Ye-jin.

In fairness, talaga namang inabangan ng Pinoy viewers ang huling episode ng “Queen of Tears” last Sunday night, April 28, kung saan malalaman na nga kung happy ending ang love story nina Baek Hyun Woo at Hong Hae In.

At ito na nga, dakong 10:30 kagabi, nag-post si Aubrey ng isang short video ng “Queen of Tears” finale (episode 16) na kakasimula pa lamang umere sa Netflix. Kasama raw niyang nanonood ang asawang si Troy Montero, na naadik na rin sa serye.

Baka Bet Mo: Troy nag-propose na kay Aubrey sa Bora: Together 18 years, engaged 8 hours…here’s to forever with you

Sey ni Aubrey sa caption, “QUEEN OF TEARS! Kaya mo pa ba tonight? Feeling ko bibigay ka na eh. Hindi ka na nga nakatulog paano na tayo mamaya? @troymontero Kanya kanya na tayo ah. #queenoftears.”

Dugtong ng aktres, “Waiting na kami guys.. effort to ah kaya sa mga mahuhuli, kasalanan nyo yan!! (laughing emoji). kanya kanya na to. Bahala kayo kung bukas nyo n papanoorin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)


Sa comments section, may netizen ngang na-bad trip kay Aubrey. Sabi nito, “Spoiler naman nito epal.”

Bwelta ni Aubrey sa kanya, “May netflix ka ba? Bhahaha airing na po. ano ako mag adjust syo hahaa kung fan ka dapat nakapanood ka na hahaha lahat nakapanood na ikaw nalang hindi hahaha.”

Rumesbak uli ang netizen, “Oo may netflix ako. Doon ko sana una papanoorin hindi sa post mo.” Na sinagot ni Aubrey ng, “Bwahaha go na girl. Kaya mo yan (laughing emoji).”

Samantala, nag-iwan din ng comment si Jolina Magdangal sa post ni Aubrey Miles at sinabing malapit na rin daw niyang makumbinsi ang mister niyang si Mark Escueta na manood ng “Queen of Tears.”

“Hahahahahahha!!!! Malapit ko na din marngganyo ang asawa ko. Hahahaha!!!” sabi ni Jolens.

Sagot sa kanya ni Aubrey, “Hahaha naunahan pa nga ako umiyak. Inulit namin to, umiyak ulit hhah.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo mga dear BANDERA readers, relate much din ba kayo? O, DedMadela (read: dedma) lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending