Ria Atayde, Zanjoe Marudo baby boy ang unang magiging anak
CONFIRMED! Baby boy ang unang magiging anak ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Mismong ang kaibigan nina Ria at Zanjoe na si Liza Diño ang nag-reveal na lalaki ang ipinagbubuntis na sanggol ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Liza ng litrato nila ni Ria na kuha sa naganap na baby shower para sa first baby ng Kapamilya actress at ni Zanjoe.
Baka Bet Mo: KathNiel muling nagtagpo sa wedding; Ria, Zanjoe ikakasal din sa church
Nabanggit pa ng aktres at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magiging ka-birth month ng anak nina Ria at Zanjoe ang asawa niyang si Ice Seguerra.
View this post on Instagram
“(I)t’s a boy for our baby sister @sophia atayde patay ka birth month ni Ice magiging birthday mo. Goodluck. Hahaha. Lab yu sis,” ang caption ni Liza sa kanyang IG post.
Nito lamang nagdaang June, mismong Father’s Day, nang ibandera nina Ria at Zanjoe sa madlang pipol na magiging mommy at daddy na sila.
Baka Bet Mo: Zanjoe tinawag na ‘responsableng tao, napakabuting asawa’ ni Sylvia
Sa Instagram, ipinost ni Ria ang sweet photo nila ni Zanjoe sa beach kung saan kitang-kita na nga ang kanyang baby bump.
“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you (white heart emoji). Happy first Father’s Day!” ang caption ni Ria sa kanyang IG post.
Ikinasal ang celebrity couple noong March sa pamamagitan ng isang civil wedding na dinaluhan ng kanilang respective families at ilang malalapit na kaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.