Sylvia Sanchez miss na miss na ang pag-arte: ‘Basta soon meron na!’
SABIK nang umarte sa telebisyon ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez.
Ito ang inamin niya sa interview with ABS-CBN News sa kabila ng kanyang pinagkakaabalahang mga proyekto bilang producer.
“Na-miss ko na rin umarte. Pero nagpo-produce muna ako ngayon. Nagko-concentrate ako sa pagpo-produce para makipag-collaborate, mag-co-producer sa iba’t ibang bansa, Asian, kasi kailangan natin yan ngayon,” pagbabahagi niya.
Pagbubunyag naman ng aktres, “Pero mayroon na po akong dalawang tinitignan na mga roles na pwede kong gampanan.”
“Depende kung ano ang mapa-finalize. Basta soon mayroon na,” excited niyang sambit sa panayam.
Baka Bet Mo: Sylvia hinahanap pa rin ang ama: Kung patay na siya, gusto kong puntahan
Nang tanungin naman siya kung ano ang pinaka nami-miss niya sa pag-arte.
Ang sagot niya: “Umiyak.”
Paliwanag ni Sylvia, “Lalo na kapag napapagod ako sa totoong buhay…So parang doon ko kasi ni re-release lahat ng pagod, kung ano ang dinadala ko, roon ko inire-release sa pag-arte.”
“Bihira kasi ako umiyak sa totoong buhay, so doon ko ginagamit ang iyak ko sa pelikula, bayad pa ako,” aniya pa.
Kamakailan lang, present ang batikang aktres sa prestihiyosong Cannes Directors’ Fortnight kasama ang kapwa-artista na sina Shaina Magdayao at Ruby Ruiz.
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing event ay parte ng Cannes Film Festival sa France na itinatampok ang iba’t-ibang klase ng contemporary cinema.
Noong Marso lamang, naikuwento ni Sylvia na hindi niya pinangarap na maging “bida” sa telebisyon man o pelikula.
Ibinunyag niya rin na malaki ang naging impluwensya sa kanya ng tinaguriang “La Primera Contravida” na si Cherie Gil.
“From the start, hindi talaga ako nangarap maging bida. Gusto kong maging kontrabida like Cherie Gil,” ani niya sa isang interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.