Ivana lalayas sa Batang Quiapo, ayaw makasama si Kim Domingo?

Ivana lalayasan ang Batang Quiapo, ayaw makasama si Kim Domingo?

Reggee Bonoan - July 10, 2024 - 10:11 AM

Ivana lalayasan ang Batang Quiapo dahil ayaw makasama si Kim Domingo?

Kim Domingo, Coco Martin at Ivana Alawi

MAY bagong anggulo kung bakit mawawala na ang karakter ni Ivana Alawi as Bubbles sa “FPJ’s Ang Batang Quiapo” – hindi raw sila okay ni Kim Domingo.

Si Kim ang bagong karakter na papasok sa “Ang Batang Quiapo” pero hindi pa sinasabi kung anong pangalan at magiging papel niya sa serye.

Kakasulat lang namin dito sa BANDERA kahapon na nilinaw ng kampo ni Ivana na hindi siya tsinugi kundi umayaw na siya dahil pagod na pero matagal pa bago siya mawala as Bubbles dahil nakapag-advance na siya ng taping.

Baka Bet Mo: Bitoy pumayag nang mag-taping sa studio ng ‘Bubble Gang’: Malakas na ang loob ko ngayon, vaccinated na ako, may booster pa

Anyway, dinampot nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ang nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa nalalapit na pagkawala ni Ivana at pinag-usapan nila ito sa “Showbiz Update” vlog sa YouTube.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Ang nabalitaan daw ni Ogie, “Dahil pinagsamantalahan si Bubbles (ni Elijah Canlas as Pablo), e, ang puwedeng mangyari ay matigok. Bakit ano ba sabi (Bandera)?”

Binasa ni Mama Loi na nag-last taping day na raw si Ivana.

“Well kung confirmed at reliable ang source, e, baka nga si Bubbles. May old saying na ‘yan, eh na kapag teleserye ni Coco pinapatay ang karakter, it’s either merong gagawing movie ‘yung karakter na pinapatay, or merong bagong teleserye?

“Katulad ni Elijah Canlas pinatay kasi kailangan na niyang umapir sa High Street (serye) dahil siya ‘yung tatay ng anak ni Roxy (Xyriel Manabat).

“Si Bubbles naman ang dinig ko ay may gagawin yatang pelikula,” kuwento ni Ogie.

Say naman ni Mama Loi, “Kung mawawala si Bubbles mayroon yatang papalit naka-bonnet at naka-motor, si Kim Domingo raw ‘yun?”

Baka Bet Mo: Ryan Bang tuwang-tuwa nang makasama sina Bitoy at Paolo sa ‘Bubble Gang’: ‘Kaya abangan n’yo!’

“Oo nga, eh, ka-mata ni Kim (at) kung si Kim Domingo man ‘yan matic ‘yan. Kung may isang Kim Domingo (papasok) dapat may isang mawawala. Kasi darating ‘yan at ang teaser diyan ay kakampi ba o kaaway,” kaswal na sabi ng content creator at talent manager.

Saka inaming may nalaman siya tungkol kina Ivana at Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)


“Ngayon may isa pa akong nabalitaan, nabalitaan ko lang naman ito ‘no?” diin ni Ogie.

“Parang may something-an itong si Kim Domingo at si Ivana Alawi noon pa. Ang narinig ko pa kung gaano katotoo ito at itanong na rin natin dito (SU) na itong si Bubbles o Ivana Alawi ay nakipag-usap sa upper management para sabihing hindi niya gusto na makaeksena itong si Kim Domingo. Kaya raw nag-resort na patayin na lang ang karakter niya,” kuwento ni Ogie.

Hirit ni Dyosa Pockoh, “Uma-attitude.”

Natawa sina Ogie at Mama Loi sabay sabing, “Si Dyosa po ang nagsabi, ha!”

Biglang nataranta ang ikatlong karakter ng “Showbiz Update”, “Base lang naman sa kuwento.”

Isa pang tsika ni Ogie na kaya idinahilang ayaw daw makasama ni Ivana si Kim kaya papatayin ang karakter niya ay dahil hindi na nito naaasikaso ang vlogging, ang YouTube niya kaya kailangan na niyang mag-focus doon.”

Tanong ni Mama Loi, “Do alin kaya ang totoo doon sa lahat ng multiple choices?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yan lang ang nakarating sa atin kaya bukas ang Showbiz Update kung sino ang gustong maglinaw ng isyu na ‘yan,” sagot ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending