Diana naibenta ng P23k ang 'FHM EDSA flyover' kay Boss Toyo

Diana naibenta ang ‘FHM EDSA flyover’ kay Boss Toyo sa halagang P23k

Ervin Santiago - July 10, 2024 - 09:27 AM

Diana naibenta ang 'FHM EDSA flyover' kay Boss Toyo sa halagang P23k

Boss Toyo at Diana Zubiri

NAIBENTA ng dating sexy actress na si Diana Zubiri kay Boss Toyo ang ilan sa kanyang pag-aaring memorabilia sa halagang P23,000.

Ang tinutukoy namin ay ang kanyang  controversial FHM Philippines na inilabas noong 2002 kung saan talagang pinag-usapan at gumawa ng ingay ang ginawa niyang photoshoot para sa nasabing men’s magazine.

Nitong nagdaang July 4, personal na nagtungo si Diana sa “pawnshop” ng entrepreneur at content creator na si Jayson Luzadas, o mas kilala bilang si Boss Toyo, upang ibenta ang kanyang FHM Philippines magazine.

Baka Bet Mo: ‘Bagsakan’ polo ni Francis M naibenta na, Gab Chee Kee hindi susuko sa paglaban sa ‘cancer monster’: Nakakalakad na siya on his own!

Ipinakita ng “Encantadia” star kay Boss Toyo ang mga naturang memorabilia, kabilang na ang magazine kung saan makikita ang kanyang mga bikini photos na kinunan sa EDSA-Shaw flyover na naging kontrobersyal nga noong panahong yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BOSS TOYO (@_bosstoyo)


Dahil dito, nagsampa ng kasong grave scandal laban kay Diana at sa FHM ang opisina ng dating mayor ng Mandaluyong na si Benhur Abalos.

Pero na-settle rin ito nang mag-apologize ang naturang magazine at pumayag na i-edit ang mga litrato ni Diana sa final release.

Sey ni Diana, talagang naka-two-piece bikini lang siya sa flyover pictorial pero naka-boyshorts na siya nang lumabas ang magazine.

“Nag-shoot kami sa EDSA, sa Mandaluyong, ‘yung flyover. Noong nag-shoot kami dito (itinuro ang litrato sa magazine), nakabikini ako talaga.

Baka Bet Mo: Bonggang bahay ni Willie Revillame sa Tagaytay naibenta raw ng P3-B

“So noong nagalit sila at nagkaroon ng issue, hindi ko raw pwedeng ilabas ang totoong suot. So in-edit nila. Pero naka-bikini talaga ako,” ani Diana.

Ayon kay Boss Toyo, pwede niyang bilhin nang mahal ang original photo pero sabi ni Diana, pag-aari raw ito ng FHM. Naikuwento rin niya kung bakit siya pumayag sa nasabing pictorial.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)


“Ang deal ko sa kanila is gagawin ko ang photoshoot kapag may (Nokia) 6750, ‘yung unang cellphone na may camera, ‘yan ‘yung parang gift nila sa akin.

“Nasa FHM (yung original photos). Pag-aari nila ‘yun kaya hindi pwedeng basta-bastang i-release,” aniya pa.

Sabi ng kasama ni Boss Toyo, pwede nilang kunin ang magazine sa halagang P5,000 each at pwedeng umabot sa P10,000 kung pipirmahan ni Diana.

Umapela naman si Diana na taasan pa ni Boss Toyo ang offer dahil babalik na raw siya sa Australia, hanggang sa magkasundo sila sa halagang $400 o mahigit P23,000.

Matapos pirmahan ang mga magazine, natanong ni Boss Toyo ang aktres kung may pagsisisi ba siya sa naging desisyon niyang magpaseksi at maghubad sa mga nagawa niyang proyekto noon.

“Wala naman kasi sandali ko lang siya ginawa tapos ‘yun naging stepping stone para magkaroon ako ng big opportunity sa showbiz,” tugon ni Diana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pang chika ni Diana, worth it naman ang pagpunta niya sa pawnshop ni Boss Toyo at hindi siya nanghihinayang sa ibinentang memorabilia dahil alam niyang aalagaan ito ng content creator.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending