Aubrey Miles nakapagbenta ng halaman sa halagang P1-M

Aubrey Miles nakapagbenta ng isang uri ng halaman sa halagang P1-M

Ervin Santiago - March 17, 2024 - 07:37 AM

Aubrey Miles nakapagbenta ng halaman sa halagang P1-M

Aubrey Miles

ANG bongga pala talaga ng halaman business ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.

Knows n’yo ba na may naibenta ang plantitang aktres na isang uri ng halaman na napakahirap hanapin sa halagang P1 million?

Kuwento ng actress-entrepreneur, ang nasabing halaman ay isang  rare plant na nagmula pa sa Brazil.

“P1 million (naibenta ko) – Spiritus sancti ang tawag sa kanya, from Brazil kasi siya, from the rainforest, very rare,” chika ni Aubrey.

Baka Bet Mo: Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza?

“Hindi mo siya mahahanap basta kung ibebenta sa mga ganito. Kailangan mo siya talagang i-hunt,” dugtong pang sey ng wifey ni Troy.

Ang ginagawa raw niya dahil nga mahirap mahanap ang Spiritus sancti, pinararami niya ito sa pamamagitan ng propagation.

“Nagbenta muna ako ng mga halaman. Tapos nu’ng bumili ako, kinat (cut) ko, binenta ko ‘yun. Tapos kinat ko ulit, binenta ko ulit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)


“Kung binili ko ‘yun ng one million, igo-grow ko lang siya, ibebenta ko ng P300,000. Tapos ‘yung isa, P200,000. Mga ilang leaves lang ‘yun, mga two, ganyan,” kuwento pa ni Aubrey.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Lassy Marquez nag-kiss sa lips: Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer?

Chika pa ng aktres, si Troy ang kanyang assistant sa pagpapalago at pag-aalaga ng mga plants. Pero pagdating sa puhunan at kita sa kanilang plant business, si Aubrey pa rin ang namamahala.

“She’s so much more organized, so it’s half-half,” sey ni Troy kasabay ng pagsasabing palagi rin silang nag-uusap tungkol sa kanilang mga investment.“Even sa bills, sasabihin ko ‘You need to like pay this.’ I’ll show it to him. ‘O give it to me,’ ako na ang bahala,” ani Aubrey.

“Kahit maliit na amount, even groceries, we always have a list. Kapag may sumobra na, okay lang. Pero kapag dalawa talaga, umu-over lagi. Kaya minsan siya na lang,” aniya pa.

Kumikita rin daw sila sa kanilang mga social media pages, “From the socmed and campaigns, we put it aside. From now, we started working again. At sa akin, iba naman ‘yung pawnshop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, ‘yung mga social media campaigns namin, it’s a perk, so we put it aside, for travel,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending