Aubrey Miles, Troy Montero bakit umabot ng 18 years bago ikinasal

Aubrey Miles, Troy Montero bakit umabot ng 18 years bago ikinasal?

Pauline del Rosario |March 14,2024
facebook
share this

Aubrey Miles, Troy Montero bakit umabot ng 18 years bago ikinasal?

Pauline del Rosario - March 14, 2024 - 12:27 PM

Aubrey Miles, Troy Montero bakit umabot ng 18 years bago ikinasal?

PHOTO: Instagram/@milesaubrey

SINAGOT na ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero kung bakit umabot ng halos dalawang dekada bago sila tuluyang nagpakasal.

Sa kanilang panayam sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin ni Aubrey na siya ang dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang pagpapakasal nila noon ni Troy sa loob ng 18 years ng kanilang pagsasama.

“Parang siya din nafi-feel niya na ‘di pa ako ready. May moment na biglang ready tapos biglang hindi. Saka hindi ako nagmamadali ‘nung time na ‘yun,” paliwanag ng aktres.

Sinabi rin niya na siya ang type ng girlfriend na hindi demanding at kuntento din daw kasi siya sa kung ano ang mayroon sila noon ng kanyang partner.

“Hindi ko siya pine-pressure. Siguro ang swerte nga niya hindi ako nampe-pressure. Hindi ako nagdedemand ng ganito,” sey ni Aubrey.

Baka Bet Mo: Aubrey sinugod ang babaeng kausap ni Troy sa Bora: May sampalan pa…

Dagdag pa niya, “Happy ako. Super happy ako sa sitwasyon. Parang bakit ko gagalawin kung okay naman. Masaya naman ako sa kanya.”

Sa kabilang banda, ikinuwento naman ni Troy na ang mga anak nila ni Aubrey ang isa sa mga dahilan kaya na-realize nila na kailangan na nilang magpasakal.

“I think ‘yung [mga] bata, our kids, the ones [who] made us decide it’s time,” sambit ng aktor.

Kasunod niyan, ni-reveal naman ng mag-asawa kung ano ang sikreto nila upang mas tumibay at manatiling mainit ang kanilang relasyon.

“Whenever we travel, kapag kaming dalawa lang, we’re always naked sa hotel,” pagbabahagi ni Troy.

Patuloy naman ni Miles, “Natutulog kami na naka[hubad]. Normal lang…Even sa bathroom, we talk, nakahubad.”

Para sa kanila, importante sa isang relasyon ang “intimacy.”

“It’s one of the fun parts of the relationship,” wika ng aktres.

Ani pa niya, “It’s important, maybe not a necessity na kailangan lagi kang sexy. Para sa amin, it’s a fun thing to do.”

Noong March 2022 nang ikinasal ang dalawa.

Mayroon silang dalawang anak na sina Hunter at Rocket.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa pang anak si Aubrey mula sa dating karelasyon na si John Maurie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending