Bonggang bahay ni Willie sa Tagaytay naibenta raw ng P3-B

Bonggang bahay ni Willie Revillame sa Tagaytay naibenta raw ng P3-B

Reggee Bonoan - March 18, 2024 - 07:00 PM

Bonggang bahay ni Willie Revillame sa Tagaytay naibenta raw ng P3-B

Willie Revillame at Randy Santiago

TRULILI kaya na naibenta na ni Willie Revillame ang kanyang tropical house na nasa Barangay Iruhin West, Tagaytay City sa halagang P3 billion?

Tsika ng aming source ay pinaupahan ni Willie ang nasabing bahay sa mag-asawang super rich na nagmamay-ari ng magandang resort sa Boracay Island noong pandemya.

Wala naman kasing nakatira roon dahil sa bahay niya sa Puerto Galera, Mindoro naman nakatira ang TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)


“E, nagustuhan nu’ng mag-asawa ang bahay ni Willie kaya tinanong kung magkano dahil gusto nilang bilhin at naisip naman ni Willie na hindi naman na niya kailangan kasi nga sa Puerto Galera siya naglalagi at kapag luluwas naman ay laging naka-chopper.

Baka Bet Mo: Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza?

“Presyong ayaw nga ang ibinigay, tatlong bilyon, e, kinagat, kaya itinuloy na, pati nga ‘yung isang helicopter ay nabenta na rin pero sa ibang buyer,” sabi pa sa amin.

Nakatsikahan din namin ang isa pang source at nabanggit na sa Facebook live raw muna magla-live ang “Wowowin”, ang dahilan kung bakit hindi siya natuloy sa PTV4 na isang government station ay dahil nagkagulo ang mga kausap niyang executives sa nasabing network.

“E, nag-uunahan at kung magkano ang komisyon nilang makukuha, e, ayaw ni Kuya Wil nang ganu’n kaya umatras na siya,” say sa amin.

At tungkol naman sa negosasyon with TV5 tulad ng viral picture na nakipag-meeting ang TV host sa mga bossing ng network ay wala pang final decision dahil nag-pitch pa lang daw doon si Willie.

In case na magkasarahan ay posibleng after “Eat Bulaga” raw ang timeslot ng programa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending