Melai sobrang swerte kay Jason: Siya ang pinaka-faithful sa lahat

Melai sobrang swerte kay Jason: Siya ang pinaka-faithful sa lahat!

Ervin Santiago - July 10, 2024 - 12:05 AM

Melai sobrang swerte kay Jason: Siya ang pinaka-faithful sa lahat!

Jason Francisco at Melai Cantiveros

SUPALPAL kay Melai Cantiveros ang lahat ng mga nagsasabing babaero raw ang asawang si Jason Francisco at wala umano itong kuwentang asawa.

Tinuldukan na ng Kapamilya TV host-comedienne ang matagal nang chika na problemado siya lagi kay Jason dahil daw playboy ang kanyang napangasawa.

In fairness, turning 12 years nang nagsasama bilang mag-asawa sina Melai at Jason at mukhang super happy at kuntento naman sila sa kanilang life together with their two kids, Mela and Stela.

Baka Bet Mo: Rocco Nacino aminadong babaero noon: Kasi sa unang karelasyon ko, niloko po ako

Ayon sa komedyana, sa mahigit isang dekadang married life ni Jason ay marami na rin silang hinarap at nalampasang pagsubok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero sumusumpa ang TV host na ramdam na ramdam pa rin niya ang pagmamahal ng kanyang asawa kasabay ng paglilinaw sa mga kumakalat na chika tungkol sa umano’y pambababae nito.

“Sobra ang swerte ko sa asawa dahil siya ang pinaka-faithful sa lahat. ‘Yan ang problema online, hindi mo maiwasan dahil hindi naman nila alam.

“So gagawa sila ng (isyu). Kasi gwapo naman si Jason. Hindi naman namin kailangang mag-explain sa kanila.

“Ang asawa ko naman ang sabi, ‘Huwag mo akong ipagtanggol sa ganyan. Parang iisipin nila may isyu talaga,’” ang pahayag ni Melai sa panayam ni Bernadette Sembrano para sa YouTube channel nito.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Samantala, abot-langit ang pasasalamat ng komedyana sa ABS-CBN dahil sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya. Bukod sa “Magandang Buhay” at “Pinoy Big Brother”, binigyan pa siya ng bagong talkshow ng network, ang Visayan program na “Kuan On One.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Malaking tulong daw ang mga karagdagang trabaho para sa kanyang pamilya lalo’t patuloy niyang sinusuportahan ang mga magulang na nasa General Santos City.

“’Yung parents ko, si mama isa na lang ang kidney. Nagkasakit sa isang kidney. Si papa naman may prostate cancer.

“Thank you, God, nasu-survive dahil nabibigyan ng trabaho at nasu-sustain ang needs ng parents,” aniya.

Sa tanong kung gusto pa rin bang bumalik ni Melai sa probinsya kapag nag-retire na siya sa showbiz, “Ang buhay ko sa probinsya is a wonderful and very happy life. Ako kasi mablis makuntento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Anytime na mawalan ng trabaho kaya kong bumalik doon. Wala akong pera noon, masaya na ako. Ano pa kaya kung may pera na ako ngayon,” sey ng komedyana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending