Jason Francisco umanin, hirap gumising dahil mayroon siyang tatlong 'Melai': Di naman ganoon kadali kasi nga ‘yung ingay nila

Jason Francisco umamin, hirap gumising dahil mayroon siyang tatlong ‘Melai’: Di naman ganoon kadali kasi nga ‘yung ingay nila

Therese Arceo - November 16, 2023 - 06:20 PM

Jason Francisco umanin, hirap gumising dahil mayroon siyang tatlong 'Melai': Di naman ganoon kadali kasi nga ‘yung ingay nila

Mela Francisco, Jason Francisco, Melai Cantiveros-Francisco, Stella Francisco

ALIW na aliw ang naging guesting ni Jason Francisco kasama ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela kung saan isa sa mga hosts ay ang asawa niyang si Melai Cantiveros.

Nitong Miyerkules, November 15, bumisita ang tatlo sa “Magandang Buhay” bilang suporta sa TV host-actress sa kauna-unahang international film nito na pinamagatang “Ma’am Chief”.

Nausisa sina Jason at Melai ukol sa hindi mamatay-matay na chikang hiwalay na sila na muli naman nilang pinabulaanan.

Kwento ng dating “Pinoy Big Brother” housemate, tulad ng ibang mga couples ay nagkakaroon rin sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit hindi naman ito umaabot sa puntong kailangan nilang maghiwalay.

Amin pa ni Jason, noon daw ay wala talaga siyang balak magkaroon ng anak dahil alam niyang magbigay itong responsibilidad.

Ngunit sa kabila nito ay masaya siya na nabuo ang munti nilang pamilya ni Melai kasama ang mga anak na sina Mela at Stela.

Baka Bet Mo:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi ko akalain na magkakakilala kami nito ni Melai, ni Melisa. So, ayun. Parang siguro binago ng Diyos ‘yung ano [pananaw] ko sa buhay. Na hindi masama kapag meron ng family. Pero talagang hindi ‘yun basta [basta],” pagbabahagi ni Jason.

Dagdag pa niya, “Kaya nagpapasalamat nga ako’t nagkamayro’n ako ng dalawang anak, kami ng dalawang anak. Parang ‘yung buhay mo mayroon nga ng purpose kumbaga. Tapos parang everyday parang ang sarap gumising ta’s hinahanap mo ‘yung pamilya mo.”

At bilang si Melai, makulit niyang tinanong si Jason kung talaga bang masarap gumising sa umaga at ang madadatnan niya ay tatlong versions ni Melai.

“Totoo? Masarap gumising sa tatlong Melai?” sey ng “Magandang Buhay” host.

“Totoo ba?” segundang tanong pa ni Stela kay Jason.

Sagot nito, “Mahirap. ‘Di naman ganoon kadali kasi nga ‘yung ingay nila.”

Natatawa namang nagsalita si Momshie Regine at finanong si Jason kung paano mabuhay nang mayroong tatlong Melai na kasama.

“Tanong din ho ‘yan ng karamihan. Pero sa akin, challenge na masaya. Pero pagkabiglang tatahimik na sila, mare-realize mo minsan na gusto mong marinig ‘yung kaingayan,” sinsero niyang sagot.

May mga pagkakataon lang daw talagang bet ni Jason na magseryoso ang asawa kaya sinasabihan niya itong tumigil na muna o kaya naman ay siya na mismo ang lumalayo sa tatlo.

Kamakailan lang nang sabihin niyang si Melai ang “pinakamaingay” na babaeng nakilala niya kasabay ng paghingi ng suporta sa madlang pipol na tangkilikin ang pelikula ng asawa.

Kasalukuyang showing ang “Ma’am Chief” sa mga sinehan na pinagbibidahan ni Melai kasama sina Jennica Garcia, Bernadette Allison, Sela Guia, Karylle, at marami pang iba.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n’yo

Jason Francisco nag-request sa madlang pipol, todo support kay Melai: Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending