Julia, Charlie Best Actress sa 7th EDDYS; 'About Us...' Best Film

Julia, Charlie Best Actress sa 7th EDDYS; ‘About Us But Not About Us’ Best Film

Ervin Santiago - July 08, 2024 - 09:02 AM

Julia, Charlie Best Actress sa 7th EDDYS; 'About Us But Not About Us' Best Film

Julia Montes, Piolo Pascual, Gladys Reyes at Enchong Dee

ITINANGHAL na Best Actress sina Julia Montes at Charlie Dizon habang waging Best Actor si Piolo Pascual sa katatapos lang na 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Nanalo si Julia para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at si Charlie naman para sa “Third World Romance” habang si Piolo ay nagwagi para sa “Mallari.”

Ngayong taon, itinanghal ang pelikulang “About Us But Not About Us” bilang Best Film mula sa The IdeaFirst Company, Octoberian Films at Quantum Films at Best Director si Jun Robles Lana para pa rin sa “About Us But Not About Us.”

Baka Bet Mo: Janine, Gabbi, Jake sanib-pwersa bilang host ng 7th EDDYS sa July 7

Ang Best Supporting Actress award ay naiuwi ni Gladys Reyes para sa “Apag” at ang Best Supporting Actor ay iginawad kay Enchong Dee para sa “GomBurZa”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naganap ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m..

Nagsilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.

Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Baka Bet Mo: Coleen, Billy nakalimutan ang 7th anniversary: We go all out on a regular and I love it!

Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.

Naging isa sa mga highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isang posthumous award din ang ipinagkaloob sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas.

Iginawad naman ng SPEEd ang The EDDYS Box Office Heroes kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual na malaki ang ambag sa muling pagbangon ng Philippine movie industry.

Ang Brightlight Productions ang line producer ng ginanap na awards night.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 7th The EDDYS:

BEST FILM Jed, Ogie, Rampa Reynas, 2 pang young artist eeksena sa 7th EDDYS

“About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films)

BEST DIRECTOR

Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

BEST ACTRESS

Charlie Dizon (Third World Romance)

Julia Montes (Five Breakups And A Romance)

BEST ACTOR

Piolo Pascual (Mallari)

BEST SUPPORTING ACTRESS

Gladys Reyes (Apag)

BEST SUPPORTING ACTOR

Enchong Dee (GomBurZa)

BEST SCREENPLAY

Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

BEST CINEMATOGRAPHY

Juan Lorenzo “Pao” Orendain (Mallari)

BEST PRODUCTION DESIGN

Mariel Hizon (Mallari)

BEST EDITING

Lawrence S. Ang  (About Us But Not About Us)

BEST MUSICAL SCORE

Von de Guzman (Mallari)

BEST SOUND

Immanuel Verona, Nerrika Salim (Mallari)

BEST VISUAL EFFECTS

Ryan Grimarez, Macky Rayanon, Tawong-Lipod Creative Studio (Shake, Rattle & Roll Extreme)

BEST ORIGINAL THEME SONG

“Sa Duyan ng Bayan” (GomBurZa)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Performed by Noel Cabangon, Ebe Dancel and Gloc-9
Music and lyrics by Krina Cayabyab and Gloc-9

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending