Heart dumaan muna sa ‘hirap’ bago naimbita sa mga fashion week
HINDI naging madali para sa Kapuso actress na si Heart Evangelista ang maimbita at maging bahagi ng fashion week sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Kinailangan din ng international fashion icon na magsimula sa pagiging ordinaryong indibidwal sa pag-attend ng fashion events, partikular na sa Europe.
Nagpakatotoo ang wifey ni Sen. Chiz Escudero sa pagkukuwento tungkol dito sa latest vlog niya na may title na “Back in Milan: Fashion Week, Reels, Drama, and more.”
Inamin ni Heart na nagpupunta siya noon sa mga fashion events and gatherings “out of passion and love for fashion and creativity.”
“I entered fashion week, and it wasn’t a job. It was passion,” pahayag ni Heart kasabay ng pag-amin na nagsimula siyang umapir sa mga runway shows bilang member ng press.
Baka Bet Mo: Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko
“I really went through the hard route. Fashion week, for me, is a passion. Basically, I feel guilty for taking the seat that was allotted for somebody else like the press,” ani Heart.
Habang tumatagal ay nakabuo na siya ng magandang relationship sa iba’t ibang international brands hanggang sa bumongga na nga ang kanyang fashion portfolio.
Dito na nga siya nakilala bilang isang “key opinion leader” sa fashion world o ang tinatawag na influencer.
“I truly want (the brands) to know who I am, and I don’t want to take anybody’s seat. This is the golden rule.
“I don’t mind being second or third (choice), as long as I’m invited as myself and I have a good relationship with the brand,” pahayag pa ni Heart.
Kamakailan ay nabalita na sinabotahe raw ng isang grupo ang mga ginawang content ng Kapuso actress para sa Paris Fashion Week. Ang tanging reaksyon ng asawa ni Sen. Chiz ay, “Hayaan na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.