Pope Francis nakiusap kay Migz Zubiri: Please protect the family

Pope Francis nakiusap kay Migz Zubiri: ‘Please protect the family’

Ervin Santiago - June 11, 2024 - 08:16 AM

Pope Francis nakiusap kay Migz Zubiri: 'Please protect the family'

Pope Francis at Migz Zubiri

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko talaga ang kanyang sinabi.”

Ito ang pahayag ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri matapos ang pagkikita nila ng Santo Papa nang bumisita siya sa Vatican nitong nagdaang June 5.

Nakita ni Zubiri—na isang debotong Katoliko—si Pope Francis noong lingguhang katekismo nito, kung saan nag-aalay rin siya ng mga dasal para sa kapayapaang pandaigdig.

Ang Pilipinas ang huling bansa sa mundo na hindi kumikilala sa divorce Isang panukalang magsasabatas ng diborsyo ang naaprubahan na ng Kamara.

Baka Bet Mo: Hiling ng netizens para kay Vico: Please, protect our future President!

“Ipinagdasal namin ang ating bansa at ang ating mga lider, na sana ay maliwanagan palagi sa tamang desisyon, kahit hindi ito ang popular na desisyon,” ani Zubiri.

Dati na niyang nasabi na bukas siya sa diskusyon, pero malakas ang kanyang paniniwala sa kabanalan at katibayan ng kasal.

Nagkaroon rin ng pagkakataon ang senador na maipakilala ang kanyang pamilya sa Santo Papa. Ilan lamang sila sa mga piling bisita na nabigyan ng pagkakataon na makatanggap ng personal na basbas mula sa Santo Papa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Senator Migz Zubiri (@migzzubiri)


“Bilang Katoliko at Kristyano, greatest honor of my life na makita ang ating Santo Papa na si Lolo Kiko, lalo na at nakasama pa namin ang aming mga anak,” sabi ni Zubiri, na may tatlo nang anak sa kanyang asawang si Audrey.

Si Zubiri ay nasa Europa para magkaroon ng “short sabbatical away from politics,” at para makasama ang kanyang pamilya para sa “long-promised quality time.”

“First time ito in two years na nagkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang buong atensyon ko sa aking pamilya, kaya talagang gusto kong ipasyal sila para sa aming family time—all on my personal expense, of course,” sabi ng senador.

Baka Bet Mo: Diana ilang beses nag-audition sa ABS-CBN: Simula Star Circle 1 hanggang 10, ako po’y nag-apply pero naligwak ang lola n’yo

“Napakahalaga sa aming pamilya ng aming Catholic faith, kaya very humbling na matanggap ang oras at atensyon ng Santo Papa. Mukhang natuwa pa siya sa bunso namin, na sinabihan pa niyang mag-aral ng Spanish,” sabi pa ng senador.

Sa kanilang pagkikita, ipinaliwanag ni Zubiri sa Santo Papa na isa siyang pro-life at pro-family na mambabatas mula sa Pilipinas. Sagot ng Santo Papa sa kanya, “please protect the family.”

“Napaka-special ni Lolo Kiko sa ating mga Pilipino, at na-feel ko na special rin tayo sa kanyang puso, bilang isa sa mga pinaka-Katolikong bansa sa mundo,” sabi ni Zubiri.

“Palagi kong tatandaan ang kanyang paalala, at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para protektahan ang family values na pundasyon ng ating bansa,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama nina Zubiri sa kanilang bisita ang Philippine Ambassador to the Holy See na si Ambassador Myla Grace Ragenia Macahilig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending