Zubiri sinagot mga black propaganda, magsasampa ng cyber libel

Zubiri sinagot mga black propaganda, magsasampa ng cyber libel

Antonio Iñares - June 03, 2024 - 06:08 PM

Zubiri sinagot mga black propaganda, magsasampa ng cyber libel

Senate President Juan Miguel Zubiri

ISA-ISANG sinagot ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang lahat ng black propaganda na ipinupukol sa kanyang reputasyon at pangalan na matagal niyang inalagaan.

Kasabay nito ang pagbabanta na magpa-file ng kasong cyber libel sa lahat ng taong naglalabas ng fake news laban sa kanya.

Ang mga lumabas na black propaganda, ani Zubiri, ay nakapaloob sa maraming video na nagkakalat ng malisyosong tsismis na ipinost sa social media at na-timing sa kanyang pagpapababa bilang Senate President.

Baka Bet Mo: Heart ayaw tantanan ng mga sindikato sa socmed, patuloy na sinasabotahe ang mga content: ‘Dirty tactics!’

“They came out with a first set of videos two months ago, on the first attempt to unseat me. When that failed, they produced a part two video, which was released during the week of the second attempt. The timing is impeccable,” sabi ni Zubiri.

May “impeccable timing” umano ang black propaganda dahil lumabas ito kasabay ng kanyang pagbaba bilang Senate President.

“It’s an obvious attempt to discredit my leadership and taint my name. And they’re funneling huge amounts of money into this campaign – from production to promotion,” sabi ng senador.

“So to whoever’s spreading these lies to make it look like I’m pocketing government money to buy mansions and jets, these are totally false. I hope they’re ready because I will be filing cases and will not stop until justice prevails,” dagdag ni Zubiri.

Ayon sa mga fake new video, mayroon daw umanong bahay si Zubiri sa Forbes Park, kasama ang private airplanes, jets at helicopters, at galing daw umano ito sa katiwalian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Miguel Zubiri (@migszubiri)


“Walang katotohanan yan,” deklarasyon ni Zubiri, kasabay ng paghahamon na kung may makita silang bahay ng senador sa Forbes, sa kanila na ito.

Baka Bet Mo: Diana Zubiri tinawag na ‘feeling entitled’, ‘feeling artista’ ng bashers

Depensa ni Zubiri, wala siyang pag-aari sa Forbes Park. “Yung bahay ko ngayon, na wala sa Forbes, ay nabili ko noong 2009 pa po. At nasa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) ko po iyan,” dagdag niya.

Sa isyu naman ng pribadong mga eroplano, ipinaliwanag niya na humihiram lang siya nito para magampanan ang mga obligasyon niya bilang senador – lalo na noong panahon niya bilang Pangulo ng Senado, at lalo kung hapit ang schedule.

Kasama rin sa mga balita ang pagpapatayo ni Zubiri ng isang resort sa Camiguin – na siya namang inamin ng senador.

“This is not a private hideaway, and you can find the property in my SALN,” aniya.

“Nagpapatayo ako ngayon doon ng maliit na resort, dahil naniniwala ako sa ganda ng Camiguin at ng Northern Mindanao, at gusto kong tumulong na gawin itong top tourist destination dito sa Pilipinas,” paliwanag ni Zubiri.

Ipinaliwanag rin niya na bilang negosyante, “may kaya naman po tayo.”

Ang pamilyang Zubiri, na naka-base sa Bukidnon, ay matagal nang nasa industriya ng pagpo-proseso ng asukal at pagtatanim ng pinya. Ang senador mismo ay may negosyong planta ng industrial ice sa Iloilo at Cagayan, at planta ng renewable energy sa Bukidnon.

“May income po tayo, at nasa SALN ko po lahat iyan. And we pay all our taxes,” sabi niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Miguel Zubiri (@migszubiri)


“I always encourage aspiring politicians to have their own sources of income separate from public service. Para walang temptation na mangurakot sa kaban ng bayan,” pagpapatuloy ni Zubiri.

“Matagal na ako sa pulitika, and I take pride in maintaining a clean record. Wala tayong scandals sa pera ng bayan. Kasama ba tayo sa Napoles Scandal? Hindi. Dahil hindi tayo sumang-ayon sa paglagay ng pera ng bayan sa mga private foundations.”

Noong panahon niya sa Kamara, natatandaan ni Zubiri na nilapitan siya ng dalawang tao sa magkahiwalay na okasyon at hinihingi ang kanyang pirma sa liquid fertilizer scam, kapalit ng P5 million. Galit niyang pinaalis at tinanggihan ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am proud that I was never part of those PDAF and fertilizer scams in previous administrations,” sabi pa ng senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending