Playtime nina Xian at Coleen R-16 sa MTRCB, pero ‘di dahil sa boobs, pwet
SAYANG at hindi na kami nabigyan ng chance na makachikahan nang one-on-one si Xian Lim after ng presscon ng bago niyang movie, ang “Playtime.”
Wala nang members ng media ang nakapagtanong sa Kapuso actor at director tungkol sa ilang kaganapan sa personal niyang buhay, kabilang na ang pagde-date nila ng movie producer na si Iris Lee.
After kasi ng question and answer portion sa mediacon ng “Playtime” produced by GMA Films at Viva Films last Saturday, June 1, ay hindi na binigyan ng pagkakataon ang press na makausap sila uli.
Baka Bet Mo: Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!
Bukod kay Xian, naroon din ang co-stars niya sa movie na sina Sanya Lopez, Coleen Garcia, at Faye Lorenzo at ang direktor nilang si Mark Reyes.
View this post on Instagram
Iisa lang ang dasal at hiling ng buong production ng “Playtime”, at yan ang makuha ang suporta ng mga Pinoy at panoorin ang kanilang pelikula na magso-showing na sa June 12.
Sey ni Direk Mark, R-16 ang rating na ibinigay ng MTRCB sa “Playtime” pero hindi raw ito dahil sa mga sexy scenes na mapapanood sa movie kundi sa mga bloody and violent scenes na ginawa nina Xian, Sanya, Coleen at Faye.
Sey naman ni Coleen, “R-16 kami kasi maraming dugo. And then, it’s kind of like may parts na yun nga na hindi siya pang-R-13, pang-R-16 talaga.
“But it’s not because there’s boobs or there’s butt or anything like that. Hindi naman dahil du’n,” dagdag ng wifey ni Billy Crawford.
Baka Bet Mo: Relasyon nina Xian at Kim na tumagal ng 12 years ‘playtime’ lang ba?
Isa raw sa gustong iparating ng “Playtime” sa mga manonood ay kung paano iiwas sa mga sexual predators tulad ng ginagampanang karakter ni Xian sa kuwento.
“It’s important talaga na especially ngayon na we’re all aware that it does happen, and most of the time, actually, it happens din sa hindi strangers,” sey ni Coleen.
View this post on Instagram
“Di ba, sometimes it happens sa workplace. Sometimes it happens within the family. So, it’s important to get help. Iyon yung unang-una. It’s important to get help if you feel like you’re in danger.
“If you feel like somebody has crossed those boundaries. Kaya kailangan talaga magsabi ka sa taong makakatulong sa ‘yo. And when it comes to going out… kahit hindi ka makipag-date, kahit sa mga kaibigan.
“Ako personally hindi ko pa na-experience, pero may mga nakilala ako na naka-experience at nakakatakot talaga. Not just now, kahit noon pa, nakakatakot.
“So, it’s important to watch yourself. Don’t put yourself in a compromising situation, yun na lang,” ang pagbabahagi pa ni Coleen.
In fairness, sa trailer pa lang ng “Playtime” ay talagang mapapaigtad ka na sa iyong kinauupuan, lalo na ang mga makapigil-hiningang eksena ng mga bida sa pelikula habang nagtatakbuhan at nagtataguan sa kagubatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.