Andrea kapit na kapit ang faith sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok: Iiyak lang ako, ‘Lord, ba’t naman? Playtime ka naman’…tapos OK na uli’
“THE NEXT Important Star” at bagong “drama princess” ang pagpapakilala kay Andrea Brillantes sa naganap na celebrity screening at grand mediacon ng bagong ABS-CBN series na “Senior High“.
Kaya naman sa Q&A segment ng event, natanong ang Kapamilya youngstar kung ano ang reaksyon niya sa pagtawag sa kanya bilang susunod na superstar ng Kapamilya Network.
Sabi ni Andrea, wala sa isip niya na ang mga nabanggit na “titulo” ang naging dahilan kung bakit sa kanya ipinagkatiwala ng ABS-CBN at ng Dreamscape Entertainment ang napakabonggang serye na “Senior High” kung saan gumaganap siya bilang kambal na sina Sky at Luna.
View this post on Instagram
“Hindi ko po kasi tiningnan na ganu’n ‘yung trabaho ko, eh. Na ako na ‘yung next or gusto ko ganito.
“Of course, masarap pong pangarapin at masarap mangyari po ‘yun. Pero every time na may gagawin ako, mas tinitingnan ko lang siya na blessing for it sa akin at sa pamilya ko po bilang breadwinner pa rin ako.
“Hanggang ngayon mas tinitingnan ko pa rin ito na trabaho at artista ako. At dapat lagi ko pa ring galingan,” katwiran ng dalaga.
Aniya pa, “Kung hindi ako ‘yung maging next, okay lang kasi baka ‘yun’ yung plano sa akin ni Lord. Ganu’n ko po siya tiningnan. Never akong nasisilaw o nadadala na kailangan ako na ‘yung next.
Baka Bet Mo: Netizen viral na dahil sa P1k grocery hugot: ‘Ang hirap maging mahirap na Pinoy ngayon…’
“Gusto ko lang talagang pagbutihan ang trabaho ko at bawat eksena ko mabigyan ko ng puso at justice yung role ko po,” dugtong ng aktres na talagang pinuri at pinalakpakan ng mga nakapanood sa special screening ng “Senior High.”
“Nandito lang po ako to enjoy at tsaka passion ko kasi ‘to ever since I was three years old. So, ngayon na meron ng… mabigyan lang ako ng show masayang-masaya na po ako,” sabi pa ni Andrea.
Samantala, base sa kuwento ng “Senior High”, napakaraming pagdaraanang pagsubok ng dalawang karakter ni Andrea at wala siyang pwedeng kapitan kundi ang kanilang mga sarili lamang at ang kanilang ina na ginagampanan ni Angel Aquino.
View this post on Instagram
Sa tunay na buhay ba, kanino lumalapit si Andrea kapag hindi na niya kaya ang mga pinagdaraanang pagsubok?
“My sister. Kaya nakakahugot din po ako dito sa twins na ‘to. Sister ko po talaga, siya yung best friend ko, siya yung soulmate ko, yung ate ko. After her, sa Diyos po.
“Medyo naging on-off ‘yung relationship ko with Him kasi madalas kapag sobrang lalim na, sobrang bigat na mapapatanong ako, ‘Bakit ganyan, bakit ganyan?’
“Pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinailangang mangyari ang iba’t ibang bagay sa buhay ko at bakit kinailangan akong talikuran ng iba kasi ibig sabihin nu’n hindi ko sila kailangan sa buhay ko dahil hindi sila nakakabuti sa akin,” pagse-share ng dalaga.
“So ngayon, si Lord po talaga. Ngayon, na-build ko na talaga na, ‘Hindi, magaling Siya at Siya alam niya lahat.’ Alam niya kung ano ang makakabuti para sa akin at tiwala na lang kay Lord.
“Iiyak lang ako, ‘Lord, ba’t naman?’ Playtime ka naman Lord.’ Iiyak kong lahat sa kanya tapos okay na uli,” ang pagbabahagi pa ni Andrea Brillantes.
Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.