Netizen viral na dahil sa P1k grocery hugot: ‘Ang hirap maging mahirap na Pinoy ngayon…’
VIRAL na at talaga namang maraming naka-relate sa isang netizen na hugot na hugot sa kakaunting napamili niya pero mahigit P1,000 ang kanyang binayaran.
Sa Facebook post ng isang “Lord Harvey”, makikita ang litrato ng isang grocery cart na may lamang ilang produkto.
Ayon sa nag-upload ng litrato, mahigit isang libong piso na raw ang halaga ng kanyang pinamili pero hindi pa niya nakukumpleto ang mga dapat niyang bilang para sa ilang araw na pangangailangan sa bahay.
Base sa kanyang FB post, meron siyang bigas, mga de-lata, tinapay, chicken nuggets, gatas at kamatis. Ani Lord sa caption, “Lagpas P1,000 na po ito. And di pa ito yung regular ko.
“Off-hand purchase lang kasi may kulang. Regular range ko P1,800-P2,500. To think independent ako, only fending for myself, at walang iniisip na iba.
“What more sa iba na may pamilya at mas maraming financial responsibilities? Needs lang puwedeng atupagin kasi wala nang extra for wants,” himutok ng netizen.
Hirit pa niya, “Ang hirap maging mahirap na Pinoy ngayon. And wala naman tayong choice but to get by.”
Sa huli, nakiusap din siya na, “WAG NYO PO I-GASLIGHT ANG EXPERIENCE KO. SANA MASARAP ULAM NYO AT NG PAMILYA NYO THANK YOU SO MUCH.”
Sandmakmak ang nagkomento sa FB hugot ni Lord. Sabi ng isa, “Sobrang hirap na nga ng buhay ngayon, tsk, tsk. Kawawa naman yung mga walang trabaho o kaunti lang ang sinusuweldo.”
“Totoo naman kasi. Golden era na eh, kaya literal na ginto ang presyo ng mga produkto ngayon, kakaloka!”
“You’re buying rice at a grocery store? What do you expect? Half yung presyo niyan compare sa mga nasa palengke? Also, pinakita mo sana rin kung anong brands ng kinuha mong de-lata. Para naman ma-justify yung nagastos mo sa pinambili mo.”
“May kilala ako, 5 kids, 3 nag-aaral, 2k for a week ang budget, nakakakain ng 3 times a day. Minsan diskarte rin naman kasi ang kailangan, mas magastos talaga kapag independent ka lang. Dahil mag-isa ka, mas gusto mo bumili ng pagkaing masarap, ika nga deserve mo yun since you are working for yourself. Di mo kailangan magtiis. Pero yung iba, mas nagiging madiskarte dahil mas ramdam nila yung pagtaas ng bilihin. Pero kaysa magreklamo, mas gugustuhin nilang mamili sa palengke nang maaga para fresh at mura pa ang bentahan. Natututo silang piliin ang needs before wants.”
May mga nangnega naman sa post ni Lord. Tulad ng isang netizen na nagsabing, “Eh di sa palengke ka mamili kung gusto mong makatipid.”
“Huwag ka na magreklamo. Lahat na lang ba sisi sa gobyerno?” sabi ng isa pa.
May nag-react namang netizen sa mga bashers at nagasabing, “Nakakagigil ung ibang comments. Yung kailangan mamamayan ung magaadjust para lang makasurvive sa nangyayare. Kaya di tumataas ung quality of living sa Pilipinas dahil sa mga taong laging kuntento na sa nakasanayan at ung mumurahin na kahit di naman masarap at mabuti sa kalusugan in the long run.”
Hugot line ni Bea sa ‘Bubble Gang’ viral; ready na nga bang makipag-trabaho sa ex?
Dasal ni Alex mula nang maging dyowa si Mikee: Lord, wag n’yo na pong pakialaman lovelife ko…
Rita sa pasabog na love scene nila ni Ken: Masarap! Aarte pa ba ‘ko? Happy to serve!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.