Discount ng senior citizens, PWDs sa grocery tataasan na

Discount ng senior citizens, PWDs sa ‘grocery’ tataas na ng P500 kada buwan

Pauline del Rosario - February 29, 2024 - 03:27 PM

Discount ng senior citizens, PWDs sa ‘grocery’ tataas na ng P500 kada buwan

INQUIRER file photo/Grig C. Montegrande

MAY good news sa lahat ng senior citizens at mga persons with disability (PWD)!

Mas malaki na ang makukuha niyong “discount” sa pagbili ng grocery items katulad ng bigas, itlog, tinapay, at marami pang iba.

Kung dati, ang weekly grocery discount ay may cap na P65, ngayon ay tataas na ito ng P125!

Ibig sabihin, sa isang buwan ay pupwedeng makakuha ng hanggang P500 discount sa pagogo-grocery.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong kautusan ay ipatutupad na bago matapos ang buwan ng Marso.

Baka Bet Mo: Francine Diaz super tawad nang bumili ng mga bra sa tiangge ng Thailand, hirit ng vendor: ‘Philippine too much come but too much discount’

Kamakailan lang, nakipagpulong si Romualdez sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama si Undersecretary Carolina Sanchez.

At diyan nila pinag-usapan ang karagdagang diskwento para sa seniors at PWDs na ang maximum discountable amount ay dapat nasa P2,500 for a a P125 per week discount, o P500 per month.

“I am delighted to welcome the imminent implementation of increased discounts for our senior citizens and PWDs,” sey ng House Speaker sa isang pahayag.

Dagdga niya, “This initiative to provide additional discounts for senior citizens and PWDs demonstrates the commitment of President Marcos to promoting inclusivity and social justice.” 

Samantala, habang nagpapatuloy pa ang proseso ng konsultasyon, isang inter-agency circular ang nakatakdang ilabas ngayong buwan.

“We’re working so that the usual P65 per week discount for senior citizens and PWDs may be increased to P125,” sambit ng DTI undersecretary.

Ani pa niya, “It’s a joint issuance between the DA (Department of Agriculture), DTI and the DOE (Department of Energy).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong February 7 nang mabuo ang isang technical working group upang pag-aralan ang proposal sa pagtaas ng discount para sa senior citizens at PWDs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending