Francine Diaz super tawad nang bumili ng mga bra sa tiangge ng Thailand, hirit ng vendor: 'Philippine too much come but too much discount' | Bandera

Francine Diaz super tawad nang bumili ng mga bra sa tiangge ng Thailand, hirit ng vendor: ‘Philippine too much come but too much discount’

Ervin Santiago - April 18, 2023 - 11:53 AM

Francine Diaz super tawad nang bumili ng mga bra sa tiangge ng Thailand, hirit ng vendor: 'Philippine too much come but too much discount'

Francine Diaz

NAG-ENJOY nang bonggang-bongga ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz sa pagbabakasyon niya recently sa Thailand.

Isa sa mga pinaka-memorable na moments ng dalaga sa pamamasyal sa Bangkok, Thailand ay ang pagpunta at pagsa-shopping sa mga tiangge roon.

Mapapanood sa bagong vlog ni Francine sa YouTube ang pagsugod niya sa hile-hilerang tindahan ng damit sa isang kilalang lugar sa Bangkok kasama ang ilang kaibigan.

Sa isang bahagi ng video ay makikita nga ang aktres na namimili ng undergarments. Dito nga ginamit ni Francine ang galing niya sa pagtawad sa mga biniling mga bra.

Tagumpay naman si Francine sa kanyang paghingi ng discount na ginagawa rin niya dito sa Pilipinas, lalo na kapag nagpupunta siya sa mga tianggian.

In fairness, sa halip na magbayad ng 1,200 baht ay nakuha ni Francine ng 1,100 baht ang mga napamili niyang underwear.

Baka Bet Mo: Chito payag uling maging judge sa next season ng ‘Idol PH’, na-in love sa mga katrabaho

Habang nagbabayad ay tinanong ng  nagtitinda si Francine kung tagasaan sila at nang sinabi niyang galing sila sa Pilipinas at hindi na raw na-shock ang vendor.


Hirit ng tindera na mukhang sanay na sanay nang mag-entertain ng mga Filipino tourists sa kanilang bansa na palaging tumatawad, “Philippine too much come but too much discount.”

Narito ang ilang reaksiyon ng mga fans at social media followers ni Francine.

“The design is really Pinay!”

“Okay lang naman tumawad kasi yung iba, talagang nagpapatong ng malaki sa orig price.”

“Hahahaha nakaka-relate ang mga Pinoy!”

Samantala, pinagbigyan naman ni Francine ang mga Pinoy na nakilala at nakasalubong nila sa Bangkok na nag-request ng selfie sa kanya.

Boobs ni Sue Ramirez nilait-lait ng basher: Kaya pala hindi nagsusuot ng bra, plywood pala!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea maraming nadiskubre kay John Lloyd: Kalog at palabiro rin pala siya, at higit sa lahat…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending