Jhong Hilario ibinandera ang ‘snack shopping’ with Sarina

Jhong Hilario ibinandera ang ‘snack shopping’ with Sarina, pinusuan ng netizens: ‘Marunong na mag-grocery!’

Pauline del Rosario |September 25,2023
facebook
share this

Jhong Hilario ibinandera ang ‘snack shopping’ with Sarina, pinusuan ng netizens: ‘Marunong na mag-grocery!’

Pauline del Rosario - September 25, 2023 - 04:53 PM

Jhong Hilario ibinandera ang ‘snack shopping’ with Sarina, pinusuan ng netizens: ‘Marunong na mag-grocery!’

PHOTO: Facebook/Sarina Oceanía Azores Hilario

KINATUWAAN sa social media ang pamimili sa grocery ng anak ni Jhong Hilario na si Sarina.

Paano ba naman kasi, sa murang edad pa lamang ay puro masustansyang pagkain ang kanyang pinabili sa ama.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ni Jhong ang tinatawag niyang “snack shopping” with Sarina kung saan hinayaan niyang mamili sa grocery store ang anak.

Sa umpisa ng video, kitang-kita ang pagkasabik ni Sarina at masaya pa niyang sinabing, “Hi guys! We’re going to the grocery!”

Ilan lamang sa mga pinili ng tsikiting ay ilang klase ng peanuts, biscuits at cereals.

Baka Bet Mo: 2-anyos na anak ni Jhong Hilario kering-keri nang kantahin ang ‘Moon River’: ‘Nakaka-GV ka talaga, Baby Sarina!’

Bukod diyan, nakakaaliw rin ‘yung parte ng video kung saan makikitang napa-wow si Sarina sa vegetable area ng pamilihan.

Kinuha niya ang ilan sa mga paborito niyang gulay tulad ng beans at celery.

Mapapanood din na sa sobrang saya ni Sarina ay napapakanta at napapasayaw pa siya.

Sa huli ay masayang nag-thank you ang bulilit kay Jhong at excited na dinala ang shopping bag palabas ng store.

Aliw na aliw naman ang libu-libong netizens sa latest vlog ni Sarina at narito ang ilan sa mga naging komento nila:

“I’m so amazed how bibo kid you are [happy face with heart-eyes emojis]!! You’re so adorable [blowing kiss emoji]”

“Super cute mo talaga [red heart emojis] marunong ka na mag-grocery.”

“Napakaliksing bata enjoy Sari [red heart emoji].”

“Napakabibo talaga ni baby Sarina. Enjoy niya din pati pag grocery and marunong na talaga siya kung ano gusto niyo.”

As of this writing, mayroon nang mahigit one million followers ang two-year-old daughter ni Jhong.

Nasa kalahating million naman ang followers niya sa TikTok at 125,000 followers sa Instagram.

Si Sarina ang isa sa mga pinakabatang vloggers sa ating bansa.

Kung matatandaan, March 2021 nang isinilang ng misis ni Jhong na si Maia Azores ang kanilang first baby na si Sarina.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens naloka sa P47k grocery ni Ruffa Gutierrez: ‘Sana all ‘di na kailangan tipirin ang P1k!’

Priscilla Meirelles ‘nawindang’ sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pinas, netizens relate na relate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending