Muntinlupa may libreng ‘maintenance’ na gamot sa senior citizens
MAY good news para sa mga senior citizen na residente ng Muntinlupa!
Ayon sa lokal na pamahalaan, magpo-provide sila ng libreng health maintenance medicines bilang parte ng kanilang efforts upang ma-improve ang serbisyo nila pagdating sa health care system.
Bukod diyan, ang nasabing inisyatibo ay para matiyak din na nabibigyan nila ng kalidad na pamumuhay ang mga matatandang residente ng lugar.
Baka Bet Mo: Rapper OG Kaybee patay matapos pagbabarilin sa Muntinlupa
“Seniors in the City of Muntinlupa now have another reason to rejoice, as the City Government is now offering health maintenance medicines for free,” saad sa inilabas na pahayag ng city hall.
Ayon sa Muntinlupa LGU, ang mga senior citizen ay maaaring makatanggap ng isang buwang supply ng gamot.
Kabilang na riyan ang losartan, amlodipine, at metformin na karaniwang gamot sa hypertensyon, altapresyon o high blood at diabetes.
Ibinunyag din ng lokal na pamahalaan na nakamit ng lungsod ang record-high revenue collection para sa 2023 na umaabot sa P6.4 billion o collection efficiency na 100.98 percent.
‘Yan ay mas mataas mula sa P6.2 billion na nakolekta noong 2022.
Paliwanag ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, kapag mas malaki ang nalikom na local income ay nangangahulugan ng mas malaking budget para suportahan ang mas maraming proyekto at programa para sa mga residente ng kanyang nasasakupan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.