Pagbisita sa New Bilibid Prison ‘bawal’ hanggang June 9 –BuCor

Pagbisita sa New Bilibid Prison ‘bawal’ hanggang June 9 –BuCor

Pauline del Rosario - June 05, 2023 - 10:14 AM

Pagbisita sa New Bilibid Prison ‘bawal’ hanggang June 9 –BuCor

INQUIRER file photo

PANSAMANTALANG hindi pinapayagan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbisita sa mga preso sa New Bilibid Prison maximum security compound sa Muntinlupa City.

Walang detalye kung ano ang dahilan, pero ang pagsuspinde sa pagtanggap ng mga bisita ay hanggang June 9 lamang.

Inanunsyo ‘yan mismo ng ahensya sa social media noong pang June 2.

“Pansamantala pong kinakansela ang pagbisita sa maximum security compound, New Bilibid Prison mula Hunyo 2-9, 2023,” sey sa isang Facebook post.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na abangan ang mga update sa kanilang social media accounts.

Dagdag pa, “Panatilihing naka-antabay sa mga official social media accounts ng BuCor para sa iba pang anunsyo.”

Baka Bet Mo: 30 preso sa Baguio City Jail nakapagtapos ng elementary, junior high school

Kung maaalala ay nauna nang sinuspinde ang pagbisita sa mga inmate sa NBP at Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City dahil sa pagkalat ng Covid-19 sa pasilidad.

Noong May 25 lamang naibalik ang privillege upang muling makabisita sa mga preso.

Base sa latest count ng BuCor, 57 inmates ang tinamaan ng virus kamakailan lang at kabilang na riyan ang limang personnel ng NBP.

Ang mga naging kaso ay puro mild at asymptomatic.

Nauna nang tiniyak ng ahensya na magsasagawa sila ng contact tracing sa maximum security compound upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Two years na tayong walang kaso ng COVID-19, most likely nahawa ang ating PDLs sa dumalaw sa kanila,” sey sa isang pahayag ng BuCor Health Services Director na si Ma. Cecilia Villanueva.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Amy Perez dumipensa nang sabihang ‘very reckless’ dahil sa patuloy na pagbabalita kahit may sunog

Bretman Rock ‘naiyak’ sa pagbisita sa Pinas: I’m home, this is home and it will forever be HOME

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending