30 preso sa Baguio City Jail nakapagtapos ng elementary, junior high school | Bandera

30 preso sa Baguio City Jail nakapagtapos ng elementary, junior high school

Ervin Santiago - August 31, 2022 - 10:42 AM

Ang mga PDL sa Baguio City Jail Male Dormitory na nagtapos sa elementary at junior high school

HINDI naging hadlang para sa mga preso ng Baguio City Jail Male Dormitory (BCJMD) ang pagkakakulong para ipagpatuloy ang pangarap nilang makapag-aral at maka-graduate.

Kahit nga nasa loob ng kulungan, nagawa pa ring makapagtapos sa elementary at junior high school ang 30 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa BCJMD.

Ito ang ibinalita ng Bureau of Jail Management and Penology kamakailan bilang bahagi ng kanilang “humane safekeeping program.”

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA) nitong nagdaang August 27, nakapag-aral ang mga PDL sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education.

Nagmartsa ang mga nagtapos sa ginanap na commencement exercises sa quadrangle ng BCJMD nitong nakaraang August 25.

Nagsilbing mga guro ng 30 preso ang isang grupo ng mga volunteer at jail personnel na may background sa education. Meron din daw isang inmate na professor na nagturo sa mga nagtapos na PDL.

Ayon kay BCJMD Jail Superintendent Mary Ann Tresmanio, “We want that if they have the chance to be released from jail, they will be able to continue with their education and get a job because that is one way of avoiding that they commit a crime.”

Samantala, sa panayam naman sa 57-year-old inmate, na sinasabing siyang pinakamatanda sa mga nagtapos, sinabi nitong pangarap niyang maging security guard.

Hanggang Grade 2 lang daw ang inabot niya dahil naglayas siya sa kanila at nagtrabaho bilang minero sa Baguio City.

“Dahil sa barkada kaya maaga akong lumayas ng probinsiya at nagpunta sa Baguio. Sa totoo lang, teacher ang mother ko.

“Lima kaming magkakapatid. Lumayas ako kaya hindi ako nakapag-aral,” kuwento ng nasabing preso.
At ngayong graduate na siya, “Puwede na akong tumakbo na barangay official, marunong na akong magbasa, magsulat, at magpirma.”

Balak din daw niyang tapusin ang senior high school kahit nasa kulungan, “Mahalaga yung mag-aral kasi ang pagsisisi nasa huli. At kapag matanda na kayo, mahihiya na kayong mag aral.

“Ang pag-aaral, iyon ang pamana na hindi makukuha ng iba kasi magagamit mo iyon para sa sarili mo, hindi mabibili ng iba.

“Hindi matutunaw tulad ng ginto, dala-dala mo hanggang sa pagtanda. ‘Pag hahanap ng trabaho, kahit saan ka pumunta, dala mo iyon,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/308493/yassi-pressman-bumisita-sa-qc-jail-female-dormitory-nag-share-ng-blessings

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291797/dating-dj-at-pbb-housemate-nakalaya-makalipas-ang-5-taon-sa-kulungan
https://bandera.inquirer.net/306060/payo-nina-maris-at-elisse-sa-kabataan-wag-papayag-na-kontrolin-o-diktahan-ka-ng-dyowa-mo
https://bandera.inquirer.net/300867/zeinab-harake-alex-gonzaga-niregaluhan-ng-p160k-ang-isang-elementary-teacher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending