Mga bahagi ng katawan ng tao natagpuan sa septic tank ng Bilibid
BABALA mga ka-Bandera, sensitibo at nakakaloka ang ulat na mababasa sa balitang ito.
May mga natagpuan na mga labi ng tao sa loob ng isang septic tank noong Miyerkules, July 26, sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Dahil diyan, nagkaroon ng espekulasyon na ang nasabing lugar ay nagsilbing “mass grave” ng mga nawawalang inmates.
Base sa initial reports, natuklasan ng Bureau of Corrections (BuCor) personnel ang mga chinop-chop na katawan ng tao na nakalagay sa loob ng sewer box na matatagpuan malapit sa isang chapel sa loob ng Dormitory 8.
Ayon sa BuCor officer in charge at deputy director general for operations na si Angelina Bautista, kailangang malinis muna ang septic tank upang matukoy ang eksaktong bilang ng mga katawan na naroon.
Baka Bet Mo: Amy Perez dumipensa nang sabihang ‘very reckless’ dahil sa patuloy na pagbabalita kahit may sunog
Kasunod niyan ay papayagan na nilang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakakilanlan ng mga labi.
Samantala, nauna nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga reporter na isa sa mga natagpuan ay ang headless body ni Michael Cataroja, ang 25-year-old inmate na noong July 15 pang nawawala.
Sinabi rin ni Remulla na ang mga natagpuang katawan ay may kaugnay sa naiulat na patayan sa loob ng national penitentiary bago maupo sa pwesto si BuCor chief Director General Gregorio Catapang Jr.
“Everything is sketchy and still in the exploratory stage. We’re still trying to find things out, trying to get to the bottom of everything,” sey ng Justice Secretary.
Ang posibleng mass grave ay aksidenteng natagpuan habang pinaghahanap ng BuCor at Philippine Coast Guard (PCG) si Cataroja sa loob ng naturang compound mula pa noong July 20 hanggang 25.
Inamin din ng ilang inmates na ang nasabing septic tank ay matagal nang ginagawang mass grave para sa mga pinatay na bilanggo.
Ayon kay Bautista, gumagawa na sila ng listahan ng mga pangalan ng mga nawawalang preso upang tukuyin kung kabilang ang mga ito sa mga labi na nakita.
Read more:
Edward Barber natagpuan ang kanyang ‘calling’ bilang Christian, naghahanda na para maging pastor
Vina Morales umaming super in love ngayon: ‘Inspired ako at kinikilig, tumitibok-tibok ang puso ko!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.