Herlene Budol tumulong sa mga senior citizens at mga persons with special needs | Bandera

Herlene Budol tumulong sa mga senior citizens at mga persons with special needs

Therese Arceo - July 20, 2022 - 06:26 PM

Herlene Budol tumulong sa mga senior citizens at mga persons with special needs
PINASAYA ng aspirant beauty queen-comedienne na si Herlene Budol o kilala bilang Hipon Girl ang mga senior citizens at mga persons with disabilities nang dumalaw ito sa Missionaries of the Poor.

Nadiskubre ni Hipon Girl ang na may iba pa pala siyang maaaring maging purpose nang sumali siya sa Binibining Pilipinas 2022.

Masaya ngang ibinandera ni Herlene sa kanyang social media pages ang kanyang pagdalaw at pagpapasaya sa mga senior citizens at persons with special needs na isa sa kanyang mga adbokasiya bilang beauty queen.

“Napaka priceless ang feeling kapag gumawa ka ng mabuti para sa ibang tao,” saad ni Hipon Girl sa kanyang post.

“Sobra po akong na enlighten sa pag sali sa prestihiyosong patimpalak ng @bbpilipinasofficial. yung alam ko may purpose ako at indi lang batayan sa ganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

“Bonus nalang kung palarin si Hipon Girl nyo kung maka sungkit ng isang Corona. Manalo man o matalo ako sa patimpalak. atleast masasabi ko sarili ko na worth etong pag sali ko sa pageant. Thank u lord sa lahat ng blessings na tinatamasa ko ngayon,” pagpapatuloy ni Herlene.

Bago pa man siya sumikat at pumasok sa beauty pageants ay nakilala na siya bilang mapagmahal sa mga lolo at lola dahil ito anv mga nagpalaki sa kanya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

At nito ngang nakaraang buwan lang nang pumanaw ang kanyang Lola Bireng dahil sa kidney failure.

Ngunit kahit na ganoon ang nangyari ay nananatili pa rin sa puso ni Herlene ang kanyang lola at patuloy pa rin niyang aabutin ang mga pangarap kahit na wala na ito sa kanyang piling.

“To my Nanay Bireng in heaven. sana proud ka sa mga Achievement ko. Mahal na mahal kta at gagawin ko etong inspirasyon at gagalingan ko performance ko sa darating na Coronation [night],” sey ni Herlene.

Sa July 31 na nga gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 na sinalihan ng dalaga.

Related Chika:
Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending