Priscilla ninakawan, naloka sa grocery store sa BGC: They refuse to help!
NAKAKABAHALA ang nangyari sa dating beauty queen na si Priscilla Meirelles matapos manakawan sa loob mismo ng grocery store na nasa BGC.
Paano ba naman kasi, tila mas pinoprotektahan ng nasabing establisyemento ang mga magnanakaw kaysa sa biktima nito.
Unang idinetalye ni Priscilla ang nangyari sa kanya sa pamamagitan ng Facebook Live at ibinunyag na ang nakuha sa kanyang bag ay ang cellphone ng kanyang anak na si Anechka.
“Guess what? May snatcher sa loob ng grocery tapos one them or a group of them were able to get my other phone from inside my bag. Nabuksan nila ‘yung bag ko while I was waiting on line and kinuha nila ‘yung phone,” kwento niya.
Mapapanood din na nasa police station ng Taguig bilang ito ang sinabi sa kanya ng pamunuan ng grocery store upang maaksyunan ang insidente.
Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles ‘nawindang’ sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pinas, netizens relate na relate
Ayon kay Priscilla, nakapag-report na siya sa mga pulis at napa-blotter na rin ang mga snatcher.
“Makikita naman ‘yung mga suspek sa vlog ko eh. So merong dalawang very suspicious na suspects sa vlog na lumapit sa tabi ko while another old woman is going back and forth…and kinukuha na nila [pala] ‘yung cellphone ng baby ko,” chika niya.
Dagdag ng celebrity mom, “Pero malas nila kasi nakunan ‘yung mga mukha nila sa vlog ko, sa live ko. Tsaka may CCTV sa Marketplace ng supermarket ng Uptown. Babalik kami diyan kasi rereviewhin ng pulis ‘yung CCTV.”
Aminado rin si Priscilla na naging relax siya habang naggo-grocery dahil hindi niya akalain na may mga magnanakaw rin pala sa ganung lugar.
“Ang bilis nila. Professional na pickpockets talaga sila kasi my bag has a lock and they’re able to unlock it and grab the cellphone nang mabilis…Kaya kayong lahat, be careful sa BGC area kahit sa loob ng mall kayo, kahit nasa loob ng store kayo,” panawagan niya sa publiko.
Aniya pa, “It’s so sad kasi BGC used to feel very safe and now hindi na.”
Kasunod niyan ay nagkaroon muli ng update si Priscilla matapos i-check ng mga pulis ang CCTV footage sa nangyari sa kanya sa loob ng store.
Kinumpirma rin mismo ng pulisya na may nangyaring nakawan at modus kung saan involve ang tatlo o apat na indibidwal.
Ngunit, may isa pang problema ang beauty queen dahil ayaw siyang tulungan ng pamunuan ng grocery store.
“The police ask for Marketplace to issue a statement, like a report, because may nangyari sa establishment nila. They refused. They told the police that they are not gonna issue anything [and] that I need to come back with a court order for them to issue something,” sambit ni Pricilla.
Patuloy niya, “The police ask them for a CCTV so they can act on it, so they could go after the people who robbed me. Marketplace’s legal team made me wait for three hours to tell me right now that they are not going to release the CCTV to the police because I need to go to the court and ask for an approval for them to release the CCTV.”
Dismayado ang celebrity mom dahil ayaw nilang makipag-cooperate sa mga pulis, “Feeling ko as a customer of Marketplace, this is not a safe establishment for anybody to come because nasa side nila ‘yung mga magnanakaw.”
Baka Bet Mo: John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!
“I feel right now, they are not protecting me…they refuse to help me, they refuse to release the CCTV to the police so that they can act on it…in short, pino-protect nila ‘yung mga magnanakaw and they are aggravating me,” wika pa niya.
Tila nanggigil na si Priscilla at sabi niya, “Iba talaga ‘yung Marketplace, don’t come here. It’s the first time the establishment is refusing to help the victim…so that’s why ‘yung lahat ng magnanakaw nagpupunta sa grocery nila, edi mata-target mga clients nila.”
“Now hindi ko alam kung part sila ng modus na ‘yan. It’s not about the phone. Kaya kong bumili ng bagong phone…I am so disgusted that they are giving me a hard time, they are not cooperating, they are refusing to help the police, they are refusing to help me even after confirming na may nangyari na I was robbed in their establishment…so nasaan ang rights ko?” saad pa niya.
Sa comment section, maraming netizens ang nag-alala at tila na-stress din sa nangyari kay Priscilla.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“So sad Ms. Precilla…bakit ganun yung management nila?”
“What are your security guards and the CCTV for if you can’t do nothing to protect your customers? Di niyo kaya alaga ‘yung mga kawatan? Nakaka-curious.”
“Unbelievable !!!! Good for you that you’re exposing the incident.”
“Walang safety kaya ‘wag na diyan mag-grocery at delikado.”
“Yes. Protect your customers. They pick the right person to rub kasi you just don’t keep quiet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.