Hugot line ni Bea sa 'Bubble Gang' viral; ready na nga bang makipag-trabaho sa ex? Bandera

Hugot line ni Bea sa ‘Bubble Gang’ viral; ready na nga bang makipag-trabaho sa ex?

Therese Arceo |October 16,2021
share this

Hugot line ni Bea sa ‘Bubble Gang’ viral; ready na nga bang makipag-trabaho sa ex?

Therese Arceo October 16, 2021 - 12:58 PM

Hugot line ni Bea sa 'Bubble Gang' viral; ready na nga bang makipag-trabaho sa ex?

PARTE na ng longest running gag show “Bubble Gang” ang aktres na si Bea Alonzo at mukhang marami na agad ang naaliw sa kaniyang first appearance dahil nag-viral ang isa sa mga hugot lines nito na ipinalabas bilang teaser video ng nasabing show.

Sa nasabing video ay pinag-uusapan nila ng kasama niya ang insurance para sa love.

“Siyempre ang dami ko nang na-invest sa kanya, no. Siyempre ang dami na naming oras na pinagsamahan tapos ang dami ko na ring mamahaling regalong naibigay sa kanya. Tapos, aagawin lang siya ng iba?!” hugot ni Bea.

Marami tuloy sa netizens ang naaliw sa hugot line niya kaya naman hindi kataka-takang nag-viral ito.

Mukha kasing true to life ang hugot ng dalaga lalo na at kontrobersyal ang kaniyang break-up sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Anyway, happy naman na ngayon ang aktres sa kaniyang present dyowa na si Dominic Roque. Parte lang talaga ng gag show ang hugot niya at nothing personal naman siguro.

Samantala, nag-guest rin ang dalaga sa GMA talk show na “Mars Pa More”. Dito nga ay sumalang siya “Laglagan” segment ng programa.

Dito niya naikuwento na si Dimples Romana ang unang nakaalam ng kaniyang desisyon na maging Kapuso star.

Nang tanungin naman siya kung anong klase siyang dyowa kay Dominic, tila may hugot ang naging sagot ng dalaga.

“Ay, chill lang ako. Kahit sa kanino. Kaya nga eh…” natatawang sagot ni Bea.

“Sumobra ‘yung chill kaya nakakalusot ‘yung iba,” sundot naman ni Iya na sinang-ayunan ng aktres.

Inamin rin nito na willing siyang makatrabaho ang kaniyang naging ex dyowa ngunit depende pa rin daw kung sino ito.

“Siguro alam na ng mga tao ito, self-explanatory. Depende talaga sa ex,” sey ng dalaga.

“Kung si Zanjoe, okay lang.” dagdag pa niya.

Karagdagang ulat:
Tropa ng ‘Bubble Gang’ na-starstruck kay Bea: Grabe, ang galing-galing niya!
Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending